Ads

Friday, February 22, 2013

I'm So Happy Today

Dahil buong araw nag-uulan ngayon, binaha ang Olivarez General Hospital. So anong ibig sabihin nun? CANCELLED ANG CLINIC NI DOC PADU!!!

Dalawa ang maaaring maging reaction ko dito. Either negative or positive. Negative dahil wala na namang kita ang asawa ko. And positive dahil maaga siyang makakauwi at makakasama kami.

At ang reaction ko is the positive one. Sobrang saya ko dahil matagal namin siyang makakasama today. Most of the time kasi sobrang gabi na siyang nakakauwi yung tipong patulog or tulog na ang mga kulilits. Wala talagang pera ang makakatumbas ng panahon na maigugugol niya sa amin.

Kahit ang mga kulilits, sobrang saya nung nakita nila ang daddy nila. Nagkandaripas ng takbo sa pagsalubong at nagyaya kaagad maglaro.

Look at the kulilits' faces here...












PRICELESS di ba?

Ewan ko ba, ang saya saya ko lang talaga ngayon...

No comments:

Post a Comment