Lakad No. 1 - Makati Cinema Square
Maybe you are wondering what the hell are we doing in an old mall. Well, we just went there to eat lunch. Namiss ko kasi ang lomi sa Emers eh, so dun ko niyaya si Madir.
Emers is an old restaurant that is known for their affordable and delicious Chinese food.
The restaurant's facade...nothing has changed...
The restaurant's interior. Sobrang old na di ba? Pero wag ka, gahit ganyan yan, napuno pa rin ang mga tables ng customers after ilang minutes...
Here are what we ordered. Pasensiya na sa blurry photos kasi phone ko lang ang pinangkuha ko.
Camaron...
Lomi (A must try!)...
Fish fillet with corn and crab sauce...
My mom ordered also a bowl of Nido soup which I forgot to take a picture of. Sowee...
After lunch, we went to the electronics section kasi nagbilin si hubby to look for a turntable. Yun kasi ang isa sa gift list ko sa kanya eh and marami raw doon. When we went there, nalula ako sa dami - both brand new and second hand. Aba, malay ko sa mga turntable! Kaya I told hubby na lang na babalik na lang kami doon para siya na lang ang magdecide.
Lakad No. 2 - Caritas Healthshield, Inc.
Eto ang primary lakad namin. My mom paid the renewal of her membership there. As usual, pinagkaguluhan ang mga kulilits doon.
Lakad No. 3 - Greenbelt 5
Since maaga aga pa, niyaya ko si Madir sa Greenbelt 3. Matagal tagal na rin kasi akong hindi nakakagala doon eh. Ikot ikot and inquire inquire lang kami doon.
Kainis lang ang experience ko sa Balenciaga store doon eh. Lam mo yun, snobbish ang mga tindera. Alam niyo yung feeling na hindi ka gaanong iniintindi dahil sa akala nilang wala kang pambili. Kairita rin ang mga sagot sa akin nung nagtatanong ako eh. May pagkasarcastic! Haaaysst! Ibang iba talaga ang ugali compared sa mga tindera sa high-end stores sa ibang bansa eh. Sinabi ko nga sa mom ko yung observation ko eh, kaya naikwento niya yung experience ng isa kong rich na Ninang.
Kwento ko na rin sa inyo... Minsan, ang rich na mag-asawang Ninong at Ninang ko pumunta sa Greenbelt 5 na sobrang simple lang ang suot. Aba, hindi raw sila pinapansin at iniintindi. Sa sobrang inis nila, umuwi na lang sila. The following day, ang rich Ninang ko ay bumalik sa Greenbelt 5. Pumorma ng todo, nagsuot ng mga nagkikislapan at naglalakihang mga brilyante at gumamit ng mamahaling bag. Pagdating doon, malayo pa lang siya, pinagbubuksan na siya! Alam niyo ba kung ano ginawa ng Ninang ko? Kinausap niya yung tindera "Nakikilala mo ba ako? Ako lang naman yung pumunta dito kahapon na hindi niyo pinapansin!" Sabay alis. O di ba ang taray ng Ninang ko!
Anyway, wag na natin pag-aksayahan ng panahon ang mga taong yan. Babalikan ko rin sila in due time. Hahaha!
Come merienda time, niyaya ko si madir magmerienda sa Toast Box...
My mom ordered a French Toast Set...
While I ordered Kaya Cream Cheese Toast Set with drink upgraded to Iced Milk Tea...
Lakad No. 4 - Festival Mall
After eating merienda, we went immediately to Festival Mall to attend the 5:00 p.m. service of Victory Christian Fellowship. My hubby went there also to attend the service with us.
Lakad No. 5 - SM Southmall
My mom attended both the 5:00 p.m. and 7:00 p.m. service. She attended the 7:00 p.m. service because she accompanied my dad. My dad told me that we'll eat out for dinner so he asked me to go to SM Southmall and look for a restaurant there.
Una, I chose Hainanese Chicken pero hindi approve si Madir. Next naman is Tokyo Cafe. Unfortunately, out-of-service ang kanilang credit card kaya hindi rin ubra. Kaya we ended up eating at Agave restaurant.
While waiting for my parents, nakipila muna ako sa Tous Les Jours kasi buy one take one na ang breads nila when the clock strikes at 9:00 p.m. I bought premium pan bread (I gave one to my parents), custard cream bread for the kulilits, sweet black rice bread with cream cheese and sweet black rice bread with black sesame cream cheese. Ang sarap ng breads nila. Very soft and chewy.
So back ulit tayo sa Agave... Agave is a newly opened restaurant at SM Southmall. They serve Mexican food.
The restaurant's facade (with Ian posing)...
We ordered the following:
Cheese Quesadillas...
Bean Burritos...
Steak Chimichanga...
Mexican Pizza...
and Sopa de Tortilla which I forgot (again) to take a picture of.
Kids eat for free at Agave! The twins got the following:
Agave Chicken Fingers for Ian...
Junior Cheeseburger for Chris...
The kulilits only ate the chicken fingers and fries. My mom was the one who ate their burger (akala niyo si hubby ano?).
The kulilits enjoyed eating there. Sarap atang kumain ng nakakamay. Hehehe...
After dinner, we went home na.
That's my extraordinary Saturday! =)
No comments:
Post a Comment