Hindi pa ako ready, sa totoo lang. Ang dami ko pang gustong gawin and ang dami ko pang pangarap sa buhay eh. Aside from that, gusto ko rin masubaybayan ang paglaki ng mga kulilits ko. Gusto ko mawitness kung paano sila maging successful sa mga buhay buhay nila. Gusto ko rin makita na magkaroon sila ng sarili nilang family.
Ano ba yan...nagiging creepy na ako. Galing kasi ako sa wake ng lola ng bestfriend ko kanina eh. Parang nagkakaroon lang ako ng realization na i-enjoy ko lang ang life ko and to make the best out of it. It also reminds me to be thankful every time na magigising ako everyday, to appreciate the beauty of life and to appreciate the people around me.
Makwento ko lang din. Hindi ko lang kasi kinaya yung experience ng bestfriend ko. Medyo nagkasunod sunod lang kasi ang mga namamatay nila. Late last year, yung cousin niya na hindi na nagising. Nakakagulat lang kasi sobrang bata pa. Early 20's lang ata. Tapos 2 weeks ago yung Tito niya na na-stroke na around 40's lang. Tapos lately yung lola niya na nagka-heart attack na 70's lang. Sobrang bigat ng pinag-dadaanan ng family nila ngayon eh.
Anyway, dahil diyan, medyo na-imbiyerna sa akin si hubby pagdating niya sa house. Kasi kung ano ano na ang binibilin ko sa kanya. Ako kasi ang naghahandle ng finances namin and wala siya halos alam about our finances. Hindi niya alam kung ilan ang bank accounts namin, passwords ng mga ATM, how much na yung savings namin, mga long term investments namin at kung ano ano pa. Kontento na siya as long as bayad lahat ng bills namin and hindi kami nagugutom. So ang sa akin lang, paano na sila kung wala ako di ba? Pinapatigil na akong magsalita kanina. Ang sabi ko naman, nagiging practical lang naman ako and ayaw ko naman bandang huli maging lost siya. Ang dahilan ko lang ay hindi ako nagbibilin, nag-iinform lang. Maiigi na ang handa di ba?
How about you, minsan ba naiisip niyo rin ang mga ganyang bagay?
No comments:
Post a Comment