NAKAKAPAGOD! That is the word to describe our 18th Philippine Hot Air Balloon Fiesta experience. It is not our first time to attend the Hot Air Balloon Fiesta pero etong 18th ang pinakanakakapagod sa lahat. Ang daming lakad plus the kulilits plus the heat! Kaya nga sabi ko sa mga in-laws ko, last na attend na namin ito. Sa iba naman kaming festival pupunta next time para maiba naman.
Day 1 (Saturday)
We were suppose to leave the Las Pinas at 12:30 p.m. para sakto lang sa check-in time ng hotel and we could attend the event in the afternoon para the following day free time na namin. Unfortunately, hindi kami nakaalis on time since late na natapos magclinic si hubby. Sobrang bad trip talaga ako to the point na inaaway ko na si hubby dahil ako yung tipo na gusto stick sa schedule. Aside from that, nakakahiya sa mga in-laws ko dahil saktong 12:30 p.m. nakagayak na sila. Alam niyo yun, ok lang sana kung kami lang ang aalis pero may kasama kaming iba.
Anyway, we left the house at around 2:30 p.m. na. Estimate namin mga 5:00 p.m. nasa Clark na kami kaso may bulalyaso na naman. May karambolang naganap sa NLEX. Siguro blessing in disguise na rin na late kami nakaalis para hindi kami nasama sa accident.
We arrived at clark at around 6:30 p.m. na. Check-in muna kami sa hotel para tuloy tuloy na kami. Again, may bulalyaso sa pag-check-in namin. Hindi nagreflect yung hotel booking namin. Medyo natagalan kami pero naging positive naman ang result dahil na-upgrade ang room namin. We stayed at Hotel California. It is not a posh hotel since tag-tipid kami. Hahaha! Besides, tutulugan lang naman namin eh.
After we checked-in, we went na to the event. Ang naabutan na lang namin is the concert. Since hindi pang kilalang mga bands ang tumutugtog, we ate dinner muna. There are a lot of food stalls there. Para safe, we ate at Chicboy. Medyo mausok nga lang.
After dinner, we walked around. I bought hot air balloon lanterns for the kulilits and a kite. Yes, bumili ako ng kite kasi yung nabili ko sa SM sobrang palpak. Papaliparin pa lang namin, nagkanda tanggal tanggal na ang dikit. Ang mahal pa naman. Yung nabili ko sa event, P200.00 lang tapos tela na ang material. Tapos may free taste na Kopiko coffee kaya sila hubby, coffee coffee muna. Hehehe!
Family picture muna kami with the cute hot air balloon lanterns that I bought for the kulilits...
Nung tumugtog na ang Wolfgang, hubby and my brother-in-law (Kuya Bimbo) went na to the concert grounds. Kami ni Ai (my bilas) were left with the kulilits. Takbo takbo lang kami sa field and nagfly kuno ng kite para maaliw ang kambal.
|
Wolfgang |
Hindi na tinapos ng mga big boys ang concert kasi nag-alala na sila sa mga kulilits tutal naman masaya na sila kasi narinig na nila ang Wolfgang and Urbandub.
On the way back to the hotel, nagstop-over muna kami sa Ministop to buy some drinks. Sakto naman na tulog na ang kulilits when we arrived sa hotel. So ayun, we all went out to our room's veranda para magkwentuhan. Natapos kami 3:00 a.m. na.
Day 2 (Sunday)
We woke up at around 8:30 a.m. to eat breakfast. May libreng breakfast for 1 person for each room eh, sayang naman kaya inavail na namin. Ang weird no kasi isa lang ang free? Usually kasi breakfast for two ang kasama sa mga hotel bookings eh. Si hubby and Ai lang ang kumain ng free breakfast pero kami ni Kuya Bimbo hindi na nag-avail. Sayang naman kasi ang P200.00 per head eh, wala naman masyadong makakain. Buti na lang at may baon kaming pandesal.
After breakfast, we went back to our rooms para maligo and magprepare for check-out. We left the hotel at 11:30 a.m. and went to A.C. Rumpa Restaurant for lunch. The restaurant is known for its Barbecue Ribs. Alam niyo ba, ever since we started attending the Hot Air Balloon Fiesta, naging tradition na namin kumain dito. Kaya guys, if you happen to go to Clark, it is a must to eat here.
Hubby, Ai and Kuya Bimbo ordered the famous Barbecue Ribs...
|
P 200.00 |
I ordered Fish and Chips for the Kulilits...
|
P 185.00 |
Since I don't eat pork anymore, I ordered Chicken Cordon Bleu (I removed the ham)...
|
P 190.00 |
Group picture...
Since the kulilits didn't eat that much, pinainom namin sila ng milk...
After lunch, since mainit pa, we went to Puregold Duty Free Shop to check on some stuff. Ang plan ko is to just buy deodorant for hubby and baby lotion and snacks for the kulilits. Mura kasi ang deodorant sa duty free eh kaya I hoard whenever I get a chance. The smart finds that I bought in Puregold are Irish Spring Deodorant (Big stick for less than P120.00 each), Assorted Soyfresh Soya Milk (less than P40.00 each), Sesame Street Baby Lotion (less than P70.00 each) and 5 Kg Detergent Powder (less than P320.00 each). Since kasama si hubby, may mga napasama na Assorted SPAM (P90.00 each), assorted small softdrinks in can, Delimondo corned beefs and sweet chili sauce. Alam niyo ba na more than half ng pinamili ko ay for hubby? Kaya ang hirap kasama sa supermarket nun eh. Hehehe. Pero ok lang, mas mura pa rin naman compared sa S&R eh.
After duty free, stop-over muna kami sa 7-Eleven. Nagcrave kasi ako ng Slurpee eh. Ang init kasi kaya gusto ko ng frozen drink that time. After that, we went na sa event.
On our way to the event, nagpicture muna kami sa T-Rex na nakita namin sa parking...
Sa event proper, I met up with my brother who happened to be there also since our E-trikes were rented out by the organizers. Kaya kung may nakita kayong mga electronic vehicles na rumuronda sa Hot Air Balloon Fiesta, sa amin yun. (Plugging: if you want to rent E-vehicles, kindly Green Vector Ventures, Inc. (GVVI) at 8842778 to 85. Look for Paolo Garcia).
Nag-kite flying ulit kami kaso fail pa rin ako kasi ang baba lang ng lipad ng saranggola ko...
Then libot libot ulit kami.
We saw some racing cars...
army jeeps...
and a lot of 2-seater planes...
Nakapagpapicture din kami inside one of a 2-seater plane. Ang sikip pala sa loob nun. Hindi pwepwede sa amin ni hubby ang ganong klaseng eroplano dahil ang lalaki namin. Hehehe! Nakakatawa nga kasi parang takot na takot yung caretaker ng plane nung sumakay kaming pamilya sa loob.
We watched the kite flying activity there also...
Souvenir photo para makita sana yung mga kites kaso kami lang family ang nafocus...
Then we watched the Hot Air Balloon Night Glow...
Ibang iba ngayon unlike the previous hot air balloon fiesta. Before, ang dami and ang gaganda ng mga designs ng hot air balloon. Pero ok lang, nag-enjoy naman ang mga kulilits. Yun naman ang primary objective namin eh. Yung makakita sila ng real hot air balloons.
Family picture during the hot air balloon night glow (sorry madilim, nagloko ang camera namin eh)...
Then may fireworks after...
I love our candid shot here...
After the hot air balloon fiesta, we went to Aling Lucing Sisig to eat dinner sana. Kaso lang, ubos na ang sisig nila. Sobrang frustrated si hubby kasi yun pa naman ang pinaka-aabangan niya. We left na lang kasi alangan naman kumain kami doon without the sisig. Nag-Aling Lucing pa kami di ba?
Anyway, we ended up eating at Razon's located at the Caltex station along NLEX. Sa Caltex station ata lahat kumain ang mga nagpunta sa hot air balloon fiesta eh. Ang daming tao and puno ng sasakyan. Nakatyamba naman kami ng parking kaya nakapagpark kami kaagad. Yun nga lang, kami ay nagmistulang abangers inside Razon's. Sorry talaga, ganun pala kapag desperado nang makakain sa sobrang gutom.
Nakauwi kami ng house around 12:30 a.m. na. Sobrang pagod and plastado. Hindi pa rin ako natulog kaagad kasi nag-ayos pa ako ng gamit. Kaya ayun, kawawa naman si hubby dahil hindi ko man lang siya napagluto ng breakfast kinaumagahan. Ako naman, nagising na sobrang sakit ng katawan. Patang pata rin ako kaya wala akong halos nagawa nung Monday.
So ayan ang experience namin nung weekend. Nakakapagod pero worth it din naman kahit papaano...