Ads

Monday, September 23, 2013

The Positive Side of Habagat Rains

It's been raining again for days now. Then today, ang dami na namang flooded areas around the Metro. Kaya kaninang madaling araw, I asked hubby to pass na lang at Skyway para hindi siya mabaha. Pero upon seeing the news this morning na marami ng baha at puro suspended na naman ang mga classes and ibang work, I asked him not to go to Makati na lang dahil definitely yung dadaanan niya papunta sa clinic niya sa Paranaque ay baha na rin.

At first, he was hesitant. Nagsisipag-sipagan pang pumasok. Pero when he texted the staff sa Medicard, non-passable na raw ang Paseo de Roxas. So sinabi ko sa kanya, makinig na siya sa akin dahil minsan ko lang naman siya hindi papasukin and lagi naman tama ang gut feel ko. So ayun, di na siya pumasok. Then after ilang hours, tinext din siya ng secretary niya sa Paranaque clinic niya na suspended na rin ang clinics doon dahil binaha na nga ang lugar. Kaya ayun, tinignan ko siya sabay sabi "I told you so..."

Yung mga times like this, lalo na sa profession ni hubby, malaki ang impact. Dahil no work, no money si hubby. Pero sa akin, ok lang na no money as long as safe ang asawa ko and kasama namin. Ngayon lang naman siya makakabawi sa amin. Kasi last week, laging sobrang gabi or minsan madaling araw na umuuwi dahil sa pagrounds ng patients niya. Hindi na nga niya naaabutan na gising ang mga Kulilits eh.

So ngayon, I'm very happy kasi magkakasama kami ngayon sa house. Bonding time ika nga. Walang ginawa kundi mag-cuddle cuddle and magharutan lang with the Kulilits.

Since miss na miss ng mga Kulilits ang daddy nila, ginawa lang naman nilang human trampoline si hubby...




The positive side of habagat rains...

Di baleng walang pera, basta ligtas at masaya naman kami!!!

No comments:

Post a Comment