Guess who cuts the Kulilits' hair?
Tantatatan...
It's ME!!! Hahaha!!!
Pero, in fairness ha, I've been doing it for months already since we discovered the perfect haircut for them. And I'm proud to say, na hindi ko pa naman namumurder ang mga buhok ng mga anakis ko. Hehe. In fact, ang dami ko ngang naririnig na compliment eh. Bagay daw sa mga kulilits ang hair nila tapos tinatanong pa ako kung saan ko sila pinapagupitan. Siyempre, palakpak tenga naman ako. Hehe.
Before kasi, sa Tabb's Barber Shop ko sila pinapagupitan. That is kapag barber cut ang pinapagawa ko. So ang the usual na gupit nila before is like this...
Pogi naman and neat. Kaso lang, ang lalaki kasi ng mga cheeks nila so medyo na-eemphasize. That's why I tried na pahabain at gawing apple cut ang hair nila.
Eto ngayon ang the usual gupit nila...
For me and my hubby, I find it better for them. Mas mukhang baby and sweet sila tignan (hindi matured). Aside from that, hindi rin na-eemphasize yung chubby cheeks nila and malapad na noo. Hehe.
Kaya nung nakita kong okay sa kanila ang apple cut, I maintained it that way na palagi. Parang Beatles lang ang peg. Hehe. I tried trimming their hair before kung uubra, okay naman kaya ever since, ako na ang official barbero nila.
Just this morning, since super haba na ng hair nila, nag-session kami sa labas ng bahay. Buti na lang at behave sila at willing magpagupit kaya hindi naman ako nahirapan.
Here are some of their photos during their haircut this morning:
Ian...
Chris...
For their pictures after their haircut, I tried to take pictures of them. Kaso lang, bigo ako eh. Ang lilikot! Ayaw magpapicture. Pero meron akong isang medyo matino na picture ni Chris...
Pasensya na sa picture ha, medyo galit na naman ang ilong ng anak ko eh. Nakikita na naman ang buong Makati. Hehe!
Anyway, what can you say about the haircut? Pwede na ba?
For you, ano sa tingin niyo na mas bagay na hair sa kanila? Barbers or apple cut?
No comments:
Post a Comment