Ads

Friday, September 06, 2013

Adventures in Hongkong: Day 5 & Loots

This is my last post about our recent travel in Hongkong.

Well, day 5 in Hongkong is our free day. Bahala na si Batman kung ano ang gagawin namin that time. Personally, that was my time na mag-gala gala on my own and try to look for some pasalubong. Pero, kamalas malasan naman namin dahil dumating yung typhoon doon na galing sa Pinas. Typhoon signal no. 3 nga daw that day eh pero hindi naman ganun karamdam. Iba kasi sa kanila eh, yung signal no. 3 sa kanila katumbas lang ng signal no. 1 sa atin.

In short, hindi ako nagpapigil sa ulan. Gumala pa rin ako mag-isa. Iniwan ko ang mga Kulilits kay hubby sa hotel. Kung saan saan ako actually nakarating. Kainis lang dahil pang-gabi halos ng mga stores doon dahil past 10:00am na puros sarado pa. Mga 11:00am ata kasi nagbubukas ang mga stores eh. 

From Yau Ma Tei, nakarating ako ng Jordan and Mongkok. Tapos pabalik ng hotel, naglakad lang ako pabalik sa Yau Ma Tei. Ang masaklap doon ay nagkamali ako ng direction. Imbis na pa-Yau Ma Tei ako, napunta ako sa Prince Edward. Kaya ayun, na-exercise ako nang di oras. 2 stations ang nalakad ko with bitbit pabalik ng hotel. Bakit kamo ako naglakad? Kuripot ako eh! Joke! Medyo lang naman. Gusto ko lang din maglibot libot at baka may makita ako na something.

On my way back to the hotel, nag-stopover muna ako sa noodle house sa tabi tabi to get something for hubby. Hindi kasi papayag yun na hindi makatikim ng noodles bago umuwi ng Pinas eh. Kaya pagdating ko sa hotel, all smiles siya sa bitbit ko. Hehe.

After that, gumala ulit ako. This time with my parents. Nasabi ko kasi na nakita ko na yung hinahanap kong market sa Mongkok eh and napakita ko yung mga napamili kong food kaya nagpasama sa akin. Kaya ayun, lakad lakad ulit kami back to Mongkok.

Sa Mongkok, nakabili kami ni mommy ng Takoyaki balls! Actually, binaon namin siya sa airport. Yum Yum talaga! Buti na lang at nakita ko ulit yung stall dahil kung hindi, hindi magiging complete yung trip namin ni hubby kapag hindi namin nakakain nito. Yes, ganun kami kababaw ni hubby. Hehe.




After going to Mongkok, nag-preprare na kami for our flight home. Medyo nagrush nga kami eh kasi nag-extend lang kami sa hotel.

So that's our final day in Hongkong. Last minute shopping lang talaga.

And for my loots, eto lang ang mga nabili ko:

My favorite mooncake A.K.A. overpriced hopia with egg yolk! Hehehe! Ewan ko ba at bakit addict na addict ako dito lalo na kapag may kasamang nagmamantika yung egg yolk. At ewan ko rin kung bakit napakamahal nito.




For hubby, I bought him two long-sleeves polos...






For the Kulilits, I bought them Toms shoes...




And for our pasalubong, I bought packs of these yummy noodles...




and peeled chestnuts...


photosource

So ayun lang ang mga napamili ko. Konti lang talaga dahil wala naman talaga akong planong magshopping eh. Lam niyo naman sa panahon na ito, medyo tipid mode kami ni hubby dahil nga we need to save for the renovation of our house.

So that's it. I hope you enjoyed my series about our trip in Macau and Hongkong. =)

No comments:

Post a Comment