Last night, we had dinner at Don Henrico's Festival Mall to celebrate Grandparents' Day. Simple celebration lang with my in-laws and parents.
Hindi na naming kinunan ng pictures yung mga food namin. The usual lang naman din kasi ang mga inorder namin eh: Onion Rings, Buffalo Wings, Four Cheese Pizza, Don Henrico's Supreme Pizza, Chicken Al Pesto, Fettuccini Alfredo and some drinks. Yun lang, medyo naparami ang na-order ko. Nakalimutan ko kasi na mahina kumain yung mga kasama ko eh. Hehe. Kaya ayan, medyo magdidildil kami sa pizza and buffalo wings ng ilang araw. Hehehe.
Ang mga Kulilits, they made greeting cards for their lolos and lolas. Sayang nga at hindi ko nakunan yung mga masterpiece nila. While Kuya Bimbo and Ai's panganay, Rico the poodle, gave their lolos and lolas Tous Les Jours cakes. =)
Matagal tagal din ang kuwentuhan namin that night. Minsan lang kasi nagkakasama ng complete ang families namin ni hubby eh. At since mga granpa and grandma ang mga kasama namin, nangolekta ako ng mga senior citizen cards sa kanila. Aba, saying din ang discount ha. Hehe.
Yun lang po ang kuwento...
How about you guys, how did you celebrate Grandparents' Day?
No comments:
Post a Comment