Ads

Thursday, September 05, 2013

A Little Kuwento & Quick Divisoria Shopping

Good mawnin' guys! Long time no hear from me ano? Well, medyo busy busihan na naman ang lola niyo ngayon eh.

Last Monday, I went to Makati for my prenatal checkup, twins' vaccination, washing machine delivery to our condo and lighting fixtures installation of our condo. Yes, ganyan ako kapag pumunta ng Makati. Sinisiguradong sulit na sulit ang pagpunta. As always, late na kami nakauwi sa house since past 7pm na natapos ang pag-install ng lights.

Last Tuesday naman, I went with Mama G to Divisoria. Nabanggit ko kasi hindi ako nakapamili ng preggy clothes nung sale sa Southmall eh. Sabi niya sa Divi na lang daw ako mamili since pupunta naman daw siya. So ayun, gora kami doon ni Mama G. Pagod much na ako pagkauwi kaya hindi na rin ako nakapag-blog.

Yesterday naman, busy naman ako sa pag-update at pagreconcile ng records ni Doc at sa pag-research ng ruling regarding unused old original receipts kung talagang may penalty. Naku mapepenalty na naman daw kasi si Doc Padu eh dahil hindi niya na-surrender within 10 days yung lumang receipts pagkareceive ng bago. Haaayyy, BIR nga naman... Aside from that, ginagawa ko na rin yung 2551M ni Doc. Kailangan na kasi masubmit namin yun before the 14th. Alam niyo naman, gagala na naman kami. Hehehe.

Back to our Divisoria shopping...

When we went to Divisoria, we parked at Lucky Chinatown. Laking tulong ng mall na iyon dahil hindi na kami nahihirapan magpark sa Divi and very accessible sa 999, 168, Ilaya St., Tabora St. and Juan Luna St.. Dati kasi sa Cluster mall pa kami nagpapark eh o kaya yung maliit na mall na malapit sa Juan Luna St.

So kamusta naman ang Divi sa panahon ngayon? Since maaga kami nakarating, wala pang masyadong tao. Pero nung bandang tanghali, konti pa rin eh. Mukhang maganda lang ang tiyempo ng punta namin since it's a Tuesday and hindi pa Christmas rush. Pero in one part ng Divi medyo naipit ako sa traffic ng tao. Alam niyo ba kung bakit? Eh paano ba naman nandun pala si Kris Aquino at Kim Chiu. Nagkagulo ang mga tao sa kakaabang sa kanila pati nga yung ibang tindera iniwan yung mga paninda nila makakita lang ng artista.

Anyway, ang pakay ko talaga sa Divi is to look for affordable and stylish preggy clothes. Wala na kasi akong damit na malaki laki. Remember, pinamigay ko nung pumapayat na ako? Tapos need ko pa talaga dahil we will go out of the country nga this month. Aside from the preggy clothes, need ko rin magbuy ng new scrub suits for Je Ann. Tapos, bago pa ako umalis, nagbilin pa ang maid of honor ko na bilhan ko raw siya ng pambahay shorts, SD (salary deduction) na lang daw. Hehe.

Well, here are my Divi finds that day:

For the Kulilits, I bought them these wooden puzzles...


P50.00 each


I bought them also PJs...


P140.00 per set


Mama G and I bought them additional briefs...


Regular Brief - P180.00 per pack of 6; Bikini Brief - P20.00 each


For Je Ann, I bought her 2 scrub suits and a pair of shoes...


Scrub Suit - P300.00 per set; Shoes - P100.00


Since Je Ann will be celebrating her 18th birthday this September and I promised her that I'll give her panties and towels as a gift, I bought her these...


Towel - P100.00 each; Panties - P300.00 for a box of 12


And sa pabili ni Je Ann, I bought her 3 shorts and 4 blouses. Lahat niyan P350.00 lang...


Shorts - P50.00 each; Blouse - P50.00 each


 And for me, I bought the following blouses...

 
P230.00


P230.00


P230.00


P250.00


Four lang ang binili ko, sayang naman kasi dahil ilang months na lang naman at manganganak na ako. Lam niyo ba, from P280.00 lahat yan tapos tinawaran ko na lang. Para ngang ang laki laki ng kasalanan ko sa mga tindera eh dahil panay hingi ko ng tawad. Hehe! Corny ba?

So overall damage ko is less than P4,000.00 lang! Ok ano? Ang dami ko nang nabili. Hehe! Kung sa SM yan, ilang piraso lang ang mabibili ko.

So that's it! That's my little kuwento about my past few days and Divisoria shopping...

Have a nice day guys!!!

2 comments:

  1. Anonymous1:35 AM

    SAN PO SA DIVI KYO NKBILI NG SCRUBSUITS? THANK YOU\

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sa may Cluster Mall ako nakabili sa ground floor lang. =)

      Delete