Ads

Monday, September 23, 2013

Bacolod Goodies + Egg Trivia

Mama G and Papa G just came home yesterday from Bacolod. They attended kasi the ACPAPP Annual National Convention eh. They were suppose to be home last Saturday but their flight was cancelled due to heavy rains.

Anyway, talagang tinotoo ni Mama G ang comment niya sa Adventureras FB page when I posted about Purple Oven goodies. Sabi niya ang pasalubong nila ni daddy sa amin ay puro sweets din. Hehe. OMG! Sana pumasa ako sa OGCT ko which I plan to have this this week.

Here are their pasalubong for us...

Sangkaterbang sweets!!! Meron pa ngang breads and cakes from Calea na hindi ko na nakunan ng pictures eh.




Meron din Bong Bong's Tuna Chicharon na naupakan kaagad namin ni hubby kagabi which really tastes good. Kaya napakain tuloy ako ng kanin ng di oras. Di na kasi ako nakain ng pork chicharon eh, kaya tuna chicharon na lang. Hehe.

Lastly, binigyan din nila kami ng isang tray ng brown eggs. Di na yan galing sa Bacolod by the way. Nag-stopover daw kasi sila sa S&R bago umuwi eh. Ang daming itlog ano? Mukhang itlog kasi ang mga Kulilits eh. Favorite nila ang eggs. Ewan ko ba kung anong meron ang itlog at gustong gusto nila. Kaya ang isang tray ng eggs na yan, hindi yan umaabot ng 1 month sa amin.




Pero may trivia ako about eggs ha, ewan ko lang kung totoo. Sabi ng tito ko when he attended a seminar about organic egg farming, ang commercial eggs daw nakaka-cause ng pagiging bading (no offense sa mga beckies out there ha). Kaya dahil diyan, as much as possible puro organic or native eggs lang ang finefeed namin sa kambal. Buti na lang at may supplier kami which is Mama G. Hehe. Ang tiyaga kasi niyan eh, talagang pumupunta pa yan ng Divisoria o kaya Arranque Market just to buy trays of organic or native eggs.


To Mama G and Papa G: Thank you so much for the pasalubongs!!! I'm sure the kulilits will love it!  Mwah! =)

No comments:

Post a Comment