It's official guys! The kulilits don't drink milk from the feeding bottle anymore! Sobrang saya ko, promise!!! For me kasi, achievement yan not only for the kulilits but sa akin din.
Walang kahirap hirap ang shift from the feeding bottle to glass sa kanila. Two times a day na lang kasi sila nagdridrink ng milk eh, so I just tried last Monday night to feed them milk using a glass sabay kausap sa kanila...
Me: Boys, from now on you'll be drinking your milk using a glass ha. Big boys na kayo eh and para hindi masira ang teeth niyo.
Kulilits: Okay...
Me: Very good babies...
They drank naman the milk from the glass and hindi na nanghingi ng feeding bottle nung sleeping time na. Sa sobrang happy ko that night, I showed them how proud I am to them.
Akala ko tiyamba lang nung Monday night, pero yesterday they drank na rin the milk from the glass. Kaya ayun, may drama pa akong nalalaman yesterday para tuluyan na silang hindi gumamit ng feeding bottle...
Me: Look boys, since you are drinking your milk from the glass na, you'll no longer use your feeding bottle ha. Kaya throw na natin all of these ha...
Then I pretended to throw their bottles to the trash can. Then sabay sabi nila na...
Kulilits: Drink milk...glass...dede, la na!
So that's it, tuloy tuloy na ang pagdrink nila ng milk using a glass. Hindi na talaga naghahanap ng feeding bottle. Kaya pag tinanong mo sa kanila kung nasaan ang dede nila...
Me: Babies, where are your bottles?
Kulilits: La na!
Ang galing nila ano? Kasi ang alam ko yung ibang babies, pahirapan pa ang pag-awat sa feeding bottles eh. Tapos meron akong kilala mga around 7 years old na, nagbobottle pa. Tapos sila, isang iglap lang, glass na kaagad.
Kaya ako ngayon no more worries masyado sa kanilang teeth. Alagang alaga ko kasi teeth nila dahil natatakot ako baka maging black teeth and sungki. Sabi kasi ng dentist na kakilala ko, yung pagdrink sa feeding bottle nakakasira ng teeth ng babies kaya as early as possible maawat na. Aside sa aesthetics, ayaw ko rin naman makita ang anak ko na ang tanda tanda na, nagdedede pa.
Now ang next project ko is ang pagshift ng formula sa ordinary milk. They are eating a lot na naman eh and mag 2 years old na rin sila sa February 1 kaya puwede na. Di rin biro ang formula ha. Almost one thousand ang isang box. Tapos dalawa silang umiinom. Imagine niyo na lang kung ilang box ang nako-consume nila in a month. Masakit talaga sa bulsa, promise!
That's it guys, balitaan ko na lang kayo soon...
No comments:
Post a Comment