I'm telling you, it is very hard to become a doctor's wife. Tanggap ko na na kahati ko ang propesyon niya. Yun naman kasi ang sinumpaan niyang tungkulin di ba?
I remember during years of our marriage. Struggle talaga kasi yun yung time na nagreresidency and fellowship training siya. Yun yung may mga duty rotation siya wherein he spends 36 hours in the hospital. Ang hirap kasi ako lang mag-isa sa house and wala pa kaming kids. Buti na lang at kahit papaano we got a dog. Yun na lang ang naging libangan ko that time.
Now, ganun pa rin. Though hawak na niya ang oras niya, hindi maiiwasan yung may mga stat calls. Yun yung tipong kakauwi pa lang ng bahay then kailangan ulit pumunta ng hospital or di kaya kasarapan ng tulog niyo and biglang may emergency call. Well, ganun talaga. Yun ang trabaho ni hubby eh, dun kami nabubuhay.
Bakit nga ba biglang ito ang topic ko ngayon? Wala lang, birthday kasi ni hubby today. I was expecting that he'll go home early and spend time with us. Kaso may mga inpatients siya na kailangan irounds. Then nung uuwi na siya, may biglang stat call na kailangan niyang puntahan. Buti na lang at napakiusapan ko siya na sumaglit muna dito sa bahay para naman kahit papaano he could spend his birthday with the twins. Umalis kasi siya ng house na tulog pa ang mga kulilits eh. Ayaw ko naman matapos ang birthday niya na hindi siya nakita ng dalawa. Good thing we celebrated his birthday na nung weekend at nagkaquality time kaming family.
Anyway, I have to do some BIR compliance stuff pa for hubby. Yan lang muna for today.
Goodnight guys!
No comments:
Post a Comment