Ads

Saturday, January 26, 2013

Movie Date with Hubby plus J.Co Donuts Kwento

Finally, I had a day off from the kulilits. Buti na lang at pumayag si Mama G na magbaby sit sa kanila yesterday.

Hubby and I went to ATC to watch Les Miserables. Hindi ko na nga matandaan when was the last time we watched a movie together sa sobrang tagal na. Since eto ang first date namin ni hubby for the year na kaming dalawa lang (Oo na, kami na ang boring na mag-asawa! Hehehe!), medyo nag-ayos ako para naman mafeel ni hubby na special pa rin siya sa akin (Asusus!). Eto ang aking get-up kahapon...




Pormal pormalan lang di ba? Hahaha! In fairness, natuwa naman si hubby. May comment pa nga siya na "Talagang date tayo ha!". Hehehe.

We arrived at ATC at around 8:30pm. 10:30pm pa ang screening so lakad lakad muna kami sa mall. Magshop sana ako ng clothes kaso tinamaan na naman ako ng kakuriputs. Nagsukat na ako eh, kaso bigla na naman sumagi ang mga tanong sa aking isipan: "Kailangan ko ba talaga ito?" at "Ikamamatatay ko ba kapag hindi ko ito nabili?". Well, yan ang isang natutunan ko sa sa original na kuripot na si Papa G. Hahaha!

Niyaya ko na lang si hubby na magsnack. So we went to the new wing of ATC and bought some milk tea at Gong Cha. Bad trip nga eh kasi wala nang pearls. Kainis lang! Ang bilis ko tuloy naubos yung drink ko. Since ubos na yung drink ko at wala na akong magawa, bigla kong naalala na may J.CO Donuts doon. Dali dali kong hinatak si hubby para bumili ng doughnuts.

Nung nasa pila na kami biglang bumulong si guard: "Ma'am, inform ko lang po kayo na yan na lang po ang doughnuts namin, baka po hindi na kayo makaabot." At dahil ako ay isang optimistic na tao, hindi pa rin ako umalis sa pila at nagbakasakali pa rin akong makabili. Huwag ka, habang nasa pila kami ni hubby, ako'y nagmamatyag maigi sa mga bumibili ng dose dosenang doughnuts sabay dasal na "Sana makaabot...sana makaabot...sana makaabot..."

And this is the best part... Nung turn ko na, 6 pieces na lang na doughnut ang natitira. Sinabi ko na sa staff na kukunin ko na then yung naunang girl sa pila sabay sabing "gawin mo nang one dozen". Para talaga akong pinagsakluban ng langit at lupa kaya naglakas loob akong makiusap sa girl na "Miss, sa akin na lang yan please..." Buti na lang at pumayag siya. Ang ginawa na lang niya is one dozen pa rin ang binili para masmakamura at nagshare na lang kami. Good thing din naman at nakatipid ako kahit papaano. Instead na P230.00 ang binayaran ko for half dozen of doughnuts, P175.00 na lang. Yun nga lang 2 flavors lang ang nabili ko - 1 Alcapone and 5 Why Nut.

Hindi pa diyan nagtatapos ang kuwento sa lintyak na donut na yan... Habang nakaupo ako sa seats outside the store, napalingon ako sa likod. Nginitian ako ng isang grupo ng tao at sabay ngiti rin ako sa kanila. Di ko alam kung bakit pero feeling ko nakita nila ako sa pagbili ko ng doughnuts. Hahaha! Then lo and behold, nakita ko ang kaho kahong doughnuts nila sa table and since makapal ang fes ko, sabay senyas sa kanila "Puwede bang makipagpalit ng flavor?". Hindi nila ako masyadong naintindihan kaya binitbit ko yung nabili kong doughnuts and I told them upfront na "Ok lang po ba makipagpalit ng flavor kasi eto na lang ang natira sa amin eh. Kayo na po ang bahala kung ano ang ipapalit niyo." Buti naman at gumana ang charms ko at pumayag silang makipagpalit sabay sabi "O ayan ha, makakatulog ka na!" Ang kulit lang ano? Tapos ang nakakatawa pa dun, di ko napansin na iniwan ni hubby ang iPad and cellphone niya sa table namin. Buti napansin ng grupo at pinakuha muna sa akin. Naalaska pa nga ako eh "Hay naku miss, baka madampot yung gamit niyo dahil lang sa dougnuts..."

So ayan ang kuwento sa J.Co donuts. Nakakahiya talaga! Pero bilib pa rin sa akin si hubby dahil sa taglay na lakas ng loob ko (a.k.a. kakapalan ng fes).

After that, we went na to the cinema to watch the movie. Ang haba ng movie pero sulit naman. Alam niyo yun, damang dama mo habang pinapanood mo? After the movie, parang gusto ko ngang pumalakpak eh. Naghihintay lang ako ng may papalakpak kaso wala. Pang-live musical lang ata applicable ang applause with standing ovation eh.

So there, we arrived home almost 2:00am na. Happy kami ni hubby kasi ngayon lang kami nagka-quality time na walang mga asungot. Kailang kaya mauulit ito? Sana next week ulit!

Happy weekend guys!!! =)





No comments:

Post a Comment