The Kulilits at 9 Months |
Me: Be, sana forever na silang ganito lang no? Sana hindi na tayo tatanda, yung ganito lang, hindi na sila lalaki...
Doc Padu: Be careful to what you wish for Be.
Me: Bakit? Ayaw mo ba yung ganito? Yung akap akap ka lang nila palagi? Ang sarap lang kasi nilang pagmasdan.
Doc Padu: Gusto naman pero gusto mo bang hindi ka lagi makaalis or makakilos?
Me: Sabagay...
This morning, I asked hubby to take care of the kulilits while I do the household chores. Ang dami ko pa kasing kailangan gawin eh. I need to pack pa for our trip to Taiwan tomorrow and I want to leave the house clean. I told hubby to bring the twins at the attic and watch movies.
Maya maya, I heard a lot of noise such as things being thrown, the kulilits crying, the kulilits squealing, the kulilits screaming "Mamits!", "Cars!" and hubby yelling "That's enough!", "Tama na please!", "Ano ba?!", etc.
I hurriedly finished the things that I'm doing and immediately went up to check on them. Sobrang tinotopak na si hubby dahil hindi na niya alam kung ano ang gagawin niya sa kambal. As in nakasimangot na sa sobrang init ng ulo. I got the twins from hubby and told him to take a bath na since my in-laws are waiting for us at SM Southmall.
Later on, my parents' maid went to our house and told us that Papa G is requesting the twins to go to their house so that he could play with them. Siyempre pumayag ako para makaligo na rin ako. I told the maid na dadaanan na lang namin ang mga kulilits kapag aalis na kami.
Nung kami na lang ni hubby, I talked to him:
Me: Kung ganyan lang din ang mukha ng makakasama ko, wag na lang tayo tumuloy. Ano ka ba naman, minsan mo lang makasama ang anak mo ng matagal ganyan ka pa.
Doc Padu: Yun na nga eh, minsan ko na lang makasama parusa pa!
Me (with ngiting nakakaloko): Ayaw mo yun, free workout!
Doc Padu (tatawa tawa na rin na parang bata): Eh kasi naman eh. Ang kululit!
Haaayssssttt...buti na lang at nawala ang topak ni hubby during our conversation.
Wait! Wait! Wait! The conversation did not end there.
Me: Be, naalala mo yung sinabi ko sa iyo na sana baby na lang sila forever para pacuddle cuddle lang? Ano, agree ka na ba sa akin?
Doc Padu: Oo nga eh.
Me: Ano, gusto mo pa magkatriplets? (FYI: Nung naipanganak ang kambal, sobrang naaliw si hubby at pinapangarap na triplets naman ang susunod namin na anak.)
Doc Padu: Hindi na no!
Me: Be, maglilinis pa ako ng CR mamaya pagdating natin. Alagaan mo na ulit ang kambal?
Doc Padu: Ako na lang ang maglilinis ng CR, ikaw na ang mag-alaga sa kanila.
Nakakatawa ang hubby ko no, parang pasong paso alagaan ang mga kulilits. Naalala ko nga one time na sinabi niya sa akin na "Pagtrabahuhin mo na ako ng buong araw, huwag mo lang ako pag-alagain ng dalawa!" Anyway, don't take this against him ha. He loves the twins dearly pero madali lang talaga siya mairita kapag medyo chaotic na ang situation. Sobrang kulit at likot lang talaga ng kambal ngayon eh. Imagine, times two na terrible two's kaya kailangan ng extra patience and effort sa pagbantay sa kanila.
Naku, ano kaya ang mangyayari sa amin sa Taiwan? Sana hindi topakin si hubby...
No comments:
Post a Comment