Ads

Friday, January 04, 2013

A Very Hectic Friday!!!

I'm super tired today. My twins are not yet two years old but I can say that they are so TERRIBLE already! Double trouble kung baga. According nga to my hubby, they are the "Twins of Destruction".

Ano nga ba ang nangyari today at bakit feeling ko daig ko pa ang nag-aerobics ng 3 oras?

Sige, isa isahin ko...

This morning, nagising kami ni hubby na naransack ang kanyang wallet. Para lang naman dinaanan ng bagyo ang wallet niya - all the IDs, pictures, money and receipts are everywhere the room. Pinagpupunit ang ibang receipts, buti na lang hindi pinunit yung mga money.

This morning din, pinagdiskitahan na naman ang aming Christmas tree. Pinitas ang mga ornaments at tinumba na naman. Hindi man lang pinaabot ng three kings. Tsk! Tsk! Tsk! No choice ako, nagtanggal tuloy ako ng mga Christmas decors ng wala sa schedule.

Habang nagtatanggal ako ng mga ornaments, pinagkukuha yung mga nasa container na at pinaghahagis. Diyusme talaga!!! Buti na lang at pinasundo ni Mama G para maligo sa bathtub sa kabilang bahay (kapit bahay kasi kami ni Mama G) kahit papaano nawalan ako ng istorbo.

Yung kutson nila na binaba ko sa sala, hinuhulog at ginawang improvised slide! Gusto kong pabayaan mag-enjoy pero nadala na ako sa experience naming magkakapatid noon.

Habang nagpapalit ako ng curtains, nakiki-akyat sa step ladder. 

Ang kanilang toys, huwag ka! They are everywhere the house. Lahat nilalabas at sinasabog. Aside from that, tinatapon pa sa labas ng house. Ayayay talaga!

Yung stairs namin may harang na pero nakakagawa pa rin ng paraan. Nag-aala spiderman. Nagulat ako at nakaakyat na sa threadmill. 

Maabilidad din ang mga kulilits, inuusog ang mga chairs para mag-abot ng things. Habang nagluluto ako kanina, nananadya talaga kasi sisilip silip sa akin at aliw na aliw kapag tumatakbo ako para awatin sla.

Ang mga cabinets and drawers namin kung ano ano na ang nilalagay namin para hindi mabuksan. Like yung cabinets may ribbon na and yung drawers iniipitan namin ng tissue pero no effect pa rin! Ayaw talaga paawat!

Ang hamper kahit mabigat, nabibitbit pa rin at iniisa isang tanggalin ang mga clothes. Magtititili pa kapag hahabulin sila. Haaayyysttt....

Eto matindi, kapag nagpoopoo at iwawash yung butt, hahawakan pa. Hindi ko alam kung gusto na matutong magwash mag-isa eh. 

During bath time naman, pinaglalaruan yung gripo, kaya pati ako basa rin. Hindi lang dun nagtatapos ang kwento, nakabanlaw na at lahat, uupo pa sa sahig at paglalaruan ang tubig sa floor. So ayun, I need to wash their hands again.

Sa pagsuot naman ng diaper pahirapan din. Hindi na lang humiga ng maayos para maikabit kaagad ang diaper, kailangan pa talagang itaas ng itaas ang pwet. Kaya ayun, pawis na pawis ako sa pagkabit pa lang ng nappies nila.

While feeding them naman, challenging din. Nakikipag-agawan sa akin sa paghawak ng spoon. Gustuhin ko man pakainin sila mag-isa, I choose na lang na ako ang magsubo sa kanila kasi sobrang kalat kumain. Tapos may times pa na pagmay hindi nagustuhan na texture sa kinakain, biglang iluluwa, kaya punas doon at punas dito ako.

Sa pag-inom naman, ayun may pablow blow pang nalalaman kaya punas na naman ako. At may times din na nilalagay ang hands sa baso at sabay tapon ng iniinom.

Sa pagtoothbrush naman, para akong nakikipagwrestling sa kanila. Pahirapan talaga. Hindi makuha sa bola at kanta eh.

At ang finale naman bago matulog, sumuka si Ian at ito naman si Chris gusto rin gumaya.

O di ba very challenging ang araw ko today? Malamang bukas ang sakit na naman ng katawan ko niyan pag-gising ko.

Anyway, kahit ganyan kalilikot ang mga anak ko, I'm super enjoying them. Ok na rin yan for me, dahil yan na ang exercise ko. Hehehe.



No comments:

Post a Comment