Ads

Thursday, January 10, 2013

Pedicure Home Service

Finally, after 10 years, nakapagpapedicure  din ako! Hindi ko na maalala when was the last time sa sobrang tagal na. Just imagine kung gaano kabigat ang dinadala ko dahil sa mga dry skin ko! Wala kasi akong time eh. Lam niyo na. Dakilang housewife ang peg ko the past few months. And kung meron man, pinag-iisipan ko maigi kung bibitbitin ko ang mga kulilits sa parlor. Kaso iniimagine ko pa lang, na-s-stress na ako kasi baka gawing playground ang parlor.

Buti na lang at gumala kami kanina ng mga kulilits at nakita ko sa kapit bahay na may nagpapapedicure. Siyempre, ako si misis usisera, nagtanong ako kung nagseservice siya. So, niha niho, nagsabi ako kaagad na magpapagawa ako. Say mo, P60.00 lang ang fee niya. Mura di ba?

So ayun na nga, kumatok na sa house namin and ipepedicure na ako. At first, ang mga kulilits, observe observe muna. Then bandang huli, ayan na, nanggugulo na sa amin. Tinutuntungan yung pedi box ng manicurista (Gina ang name niya) at kinukuha yung mga tools na ginagamit niya. Ang matindi pa is nabugbog ata si Gina. Paano ba naman, biglang pwumesto si Ian ng pahiga at sinisipa sipa si Gina. Nung una, mahina hina pa, bandang huli full force na. Tapos may time pa na binoboxing niya si Gina, akala ata kung ano ginagawa sa paa ko eh. Haayyyssttt talaga! May time pa na inangat yung shirt ni Gina sabay sabing "Tummy! Tummy!". Nung nanawa na sa panggugulo sa amin, pinagdiskitahan naman ang kanilang educational charts. Sa awa ng Diyos, yung alphabet na lang ang natirang buo.

O, anong say niyo sa mga kulilits? Grabe kulit and likot di ba? Hindi pa diyan nagtatapos yan, nung natapos akong mapedicure, sila naman ang pumalit sa akin. Pwumesto at sabay sabing "Nails! Nails!". Buti mabait si Gina at kunwaring pinedicure sila.

Si Ian ang unang pwumesto...


Ian

And siyempre, hindi papatalo si Chris. Siya rin daw...


Chris

Feel na feel ng mga kulilits ang "pagpedicure" sa kanila di ba?

After that, I paid Gina na. I gave her P100.00. I said to her jokingly, "kasama na diyan ang bayad sa pambubugbog ng mga anak ko ha! Hehehe."

Gina is very mabait. Nainterview ko na siya. Sideline lang pala niya yan. Namamasukan talaga siya as maid and ine-encourage siya ng amo niya na magsideline after doing all the house chores. She took a TESDA course daw sa pagmamanicure and pedicure and kakagraduate lang din niya from a Beauty something course sa isang school (sorry nakalimutan ko na eh). Nakakatuwa siya kasi ang sipag niya and napakapursigido sa buhay.

Before she left my house, I got her number in case magpagawa ulit ako. She does foot spa rin kasi and she only charges P150.00 for that. Ok na yung price niya di ba, kesa pumunta pa ako ng parlor.

So right now, I have a happy feet! =)


No comments:

Post a Comment