Ads

Thursday, January 24, 2013

Hubby's Pre-Birthday Celebration Part 3

Last na ito for my  hubby's pre-birthday celebration blog posts, PROMISE!

After we checked-out from Sulyap Bed and Breakfast, I asked hubby where are we going to eat lunch. Initially, hubby thought of using his ever reliable iPad to search for a resto within the area. Then, bigla kong naalala na malapit lang ang Villa Escudero. Since hindi pa ako nakakapunta doon, niyaya ko doon si hubby. Go naman ang lolo niyo since siya rin daw hindi pa rin nakakapunta doon.

So there we went. I asked hubby to get tickets na for us since the kulilits are roaming around the place na. Then biglang nagsenyas si hubby. Di ko magets yung sinesenyas. Yun pala he was asking me kung sure na doon kami kakain dahil uber sa mahal. Imagine, P1,400.00 per head. Since nandun na kami and birthday naman niya, gora pa rin kami.

When we got the tickets, marami palang inclusion yung P1,400.00. May carabao ride, buffet lunch at the waterfalls, cultural show, balsa ride, swimming and entrance sa museums.

We started with the carabao ride going to the waterfalls. Tuwang tuwa ang mga kulilits kasi first time nila. Aside from that, naalala ni Chris ang kanyang stuffed toy na si Diego.




During the ride, may mga nagserenade sa amin...




We went straight to the waterfalls to eat lunch since tomjones na kami. Ang mga addict sa tubig na kulilits, di kami tinantanan. Ayaw kumain, gusto na kaagad magtampisaw sa tubig! Hindi tuloy kami nakakain ng maayos ni hubby. At eto pa, wala silang dalang trunks kaya tilang mga bold star silang naligo sa waterfalls. And take note, kahit nanginginig na sila sa lamig, hindi nila ininda yun...




Siyempre, family picture sa waterfalls (check our hands. hehehe)...




At around 2:15pm we went to the pavilion to watch the cultural show. Ang mga kulilits behave, as if naiintindihan na nila ang pinapanood nila...




The cultural show lasted for more than an hour...




Then we went to the lake for the balsa "ride". "Ride" kasi acting lang yan kasi bawal ang kids below 7 years old. Pinakiusapan ko lang si Manong na magpapapicture lang kaming family. Ninerbiyos ako sa ride na yan ha. Paano ba naman, parang hindi kami kakayanin ng balsa. Biglang lumubog nung sumakay na si hubby and bawat movement feeling ko magtuturn-over yung balsa.




After the balsa "ride" we roamed around the place and we saw the swimming pools. Gusto pa sana magswim ng mga kulilits kaso kailangan na magmadali para umabot sa grocery.




On the way back, I want to ride the kalesa para maexperience ng mga kulilits. Since nag-iisa lang ang kalesa, we need to wait pa kaya ang kambal naglibang muna...




Here we are during our kalesa ride...




On our way back, we toured around Villa Escudero first and we stopped over at this Church. Dito raw nagpakasal si Da Boy and Lorna T.








Then we passed by the house of the Escuderos...




Church like museum which contains antique religious stuff. We were not able to go inside kasi bawal ang below 7 years old...




Old house museum which contains antique furniture. We were not able to go inside also...




We just had some pictures taken na lang sa mga old display...








So that's it! That ended hubby's pre-birthday celebration. I hope you enjoyed reading it. =)

No comments:

Post a Comment