Ads

Thursday, June 13, 2013

We Have A New Kasambahay

Good morning! Naglaho na naman ako ng ilang araw ano? Hehehe. Nag-update kasi ako ng books ni Doc Padu eh. Last update ko pala is March 2012 pa. Just imagine the number of transactions which is 4 Clinics x 2 Books x 14 months! Wagas sa dami di ba? Sumakit nga mga daliri ko sa kakasulat eh. Di ko lang maintindihan kung bakit hindi pwedeng iprint ko na lang yung Excel file sabay dikit na lang sa journal. Ayaw ko naman mag-apply pa ng computerized books sa BIR kasi kailangan ko pa ng accounting system churva eh puro professional fee lang naman ang transaction ni doc.

Anyway, I just want to inform you that we have a new kasambahay na in our house. Actually, one week na siya (Tagal na nito sa drafts folder ko eh. Haha!). Originally, she is the kasambahay of my mom. Pero sa akin na rin napunta nung nagpakuha ng kasambahay sa province.

I survived without a maid for 7 months. Honestly, ok na ako mag-isa eh. Kaya ko naman. Kaso love lang talaga ako ng mommy ko. Siya na ang nag-insist na kailangan ko ng makakasama since I'm preggy. Baka mahirapan na raw ako paglumaki na ang tiyan ko. Kaya ayun, pumayag na rin ako.

Why I got my mom's maid? 

The moment my mom asked me to get a maid, I told her na akin na lang si Je Ann (the name of our new kasambahay) and yung bago na lang ang sa kanya. Nakasama ko na kasi siya nung time na  nagpunta sa India parents ko eh. Nakita ko na very ok ang performance and mahilig sa bata. Sabi ko kay mommy na at least sigurado na ako na ok siya kay kambal kaysa sa bago na baka pretend pretend lang sa simula tapos bandang huli di naman pala mahilig sa bata. Buti na lang at pumayag naman ang mommy ko at walang kaso sa kanya.

Speaking of performance, hindi ako nagkamali sa first impression ko sa kanya. Di ba may saying na "When the cat is away, the mouse can play." Nung nasa India sila mommy, hindi siya petiks. Maaga pa rin siya gumising at continuous pa rin ang trabaho sa bahay hindi katulad ng ibang naging kasambahay ng parents ko na pa-easy easy lang kapag wala sila. Yun ang isang nagustuhan ko sa kanya. In fairness ha, sa one week na stay niya dito sa house, very consistent siya. Mabilis kumilos, may kusa at malinis sa bahay.

Lam niyo ba, akala ko nga babawiin si Je Ann ni mommy eh. Eh paano ba naman yung bagong kasambahay ng parents ko, parang pumayag lang maging kasambahay para makatunton ng Maynila. Kinausap kasi si Je Ann, na aalis na raw siya kila mommy dahil hindi niya kaya trabaho and sumasakit daw ang ulo kapag hindi nakatulog ng 8:00pm. San ka pa? Buti na lang at sabi ni mommy na ok lang at may uuwi naman ng province at madali lang naman magpakuha ng kasambahay.

So yan lang muna for now. Sana makaswerte na ako sa new kasambahay namin at hindi tulad nung naging kasambahay namin dati which we had a very bad experience.

Have a nice Thursday everyone!!!


No comments:

Post a Comment