Ads

Monday, June 10, 2013

Mama G's Pasalubong for the Kulilits

Mama G went to Divisoria last Thursday to buy some garden decors. Pero di mawawala ang pagka-impulse buyer ni mudra lalo na para sa kanyang mga kambalistik apos. Kaya pag-uwi niya ng house nila, pinapunta kaagad ang mga kulilits doon dahil may mga pasalubong daw siya.

At eto ang mga yun:

Mini football...




Naku! Niyaya kaagad si Papa G maglaro kaya nagmistulang football field ang salas nila that night.

2 Bunny Wabbits...




Hay! Nakakaloka ito ha! They were so giddy when they saw the rabbits. May hiyaw pa na "Rabbits! Rabbits! Rabbits!" and "Hop! Hop! Hop!" with matching actions. At walang mga takot ha. Gustong hawakan. Pinigilan lang ni Papa G dahil baka may rabies daw. Hehe. Pero di pa rin nagpapigil ang dalawa lalo na si Chris. Talagang nilalapirot yung rabbit sa gigil niya sabay hagis. Kawawa nga yung mga rabbit eh at baka hindi man lang umabot ng isang linggo. Hehehe.

By the way, I forgot to mention also that Mama G and Papa G brought Bible Stories DVDs also for the kulilits. Mahilig kasi yung dalawa mag-watch ng movies eh. Mana sa tatay! Hehe.




Thanks Mama G and Papa G for these awesome pasalubong!!!

No comments:

Post a Comment