I'm very busy nowadays. Lalo na ngayon na naturn-over na yung condo unit namin. Haaayyy.... Para kaming bagong lipat. We'll have it rented kasi so kailangan namin i-fully furnish para maging maganda yung rate.
We need to conceptualize and plan ni hubby kung ano magiging layout ng unit namin so that we'll know kung ano ang mga dapat ipagawa at idagdag. I need to buy new furnitures and abubots. I need to apply for cable, telephone line, LPG, etc. I need to do some measurements. And the list goes on...
For the mean time, may mga appliances and things kami na we can transfer na sa condo. Thanks to our dobleng wedding gifts, raffle prizes and Christmas gifts! Makakatipid kami kahit papaano. Hehehe.
Hopefully, matapos lahat within 2 weeks. This coming July na kasi mag-start ang payment namin ng monthly dues and utility bills eh. So kailangan talagang maupahan kaagad para naman makabawas bawas sa monthly expenses namin and para macompensate din yung monthly amortization namin. Practical lang naman di ba?
Aside from the condo, may pinagkakaabalahan din kami ngayon ni hubby. Di ko muna i-spill at baka maudlot (Clue: Yun ang matagal na naming ipinagdadasal na sana mahanap na namin sa tamang pagkakataon). Hopefully, this is it na talaga! Pero I'm claiming it na. We'll know it within this week and I promise to share it with you guys. =)
So ayan, alam niyo na na busy busihan ang lola niyo kaya pag-pasensyahan niyo na kung paputol putol ang mga kwento ko. Ang dami kong gustong i-share sa inyo pero madalas kasi akong wala sa bahay ngayon. Pero babawi din ako, promise!
No comments:
Post a Comment