3 days before we left for Marinduque, we checked-in at The Linden Suites. It has been our home for 3 days since hubby attended the PHA Annual Convention. As usual, sponsored ulit ito ng isang generous pharmaceutical company. Hehe.
We stayed in one of its Junior Suite room. Tour tour ko muna kayo around the room where we stayed.
The kitchen area...
The door leading to the bedroom...
The bedroom...
TV, DVD player and work table...
The bathroom...
The room is spacious and clean though it is quite old already. Since it is very spacious, ginawang big playground ng mga kulilits. Hehehe.
When I say we stayed there for 3 days, we literally stayed in the hotel for 3 days. Talagang naburo kami doon. Hehehe. Kahit sa pagkain, dun lang din kami sa room kumakain. Siyempre, ako si mommy laging handa, kaya before we checked-in there, I already called the hotel and asked them what kind of room we'll be having and if we can cook there. So para makatipid and para siguradong mabubusog kami, nagdala ako ng food na lulutuin namin. Wais di ba? Hehehe.
May mga activities naman kami ng mga kulilits when we were there. Isa na dun ang favorite past time nila which is yung pagswimming (Kailangan pa ba imemorize yan?).
Here is the hotel's indoor heated swimming pool...
The very excited kulilits...
Chris & Ian |
The very confident kulilits jumping in the 4ft pool...
Addict lang talaga sila sa water ano? Nakakatuwa nga kasi they can control na the use of their floaters. They can swim around without me holding them.
Aside from swimming, we watched DVDs also. At alam niyo ba kung ano ang pinanuod namin? Ano pa ba, eh di ang walang kupas na Spiderman 1, 2 and 3! Namememorize ko na nga ata ang mga linya ng Spiderman eh dahil wala silang kasawa sawang panuorin yun.
Look at the kulilits here, sobrang focused sa panunuod ng Spiderman...
Chris & Ian |
And of course, hindi makukumpleto ang happenings namin without play pretend. They love pretending to be Spiderman. Talagang tumutuwad tuwad with matching taas ng paa at tumatumbling yang mga yan sabay sabing "Spimeyman!!!"
Though sa loob lang kami ng hotel, I super enjoyed the moment with the kulilits. No dull moments eh. Tapos wala pa akong mga household chores (aside from cooking) na inaasikaso that time so talagang sa kanila lang talaga ang oras ko. I feel so blessed to have the luxury of time being with my babies. Lalo na ngayon na napakabilis ng panahon. Minsan nga kapag pinagmamasdan ko sila, napapaisip ako na parang kailan lang nung pinagbubuntis ko sila. Haaaayyyysssstttt.... Ang bibilis talaga lumaki ng bata.
So that's it!
Happy weekend everyone!!!
No comments:
Post a Comment