Ice breaker muna tayo...
Si Mama G, hanggang sa Marinduque dala ang pagkakuwela. Eto ang ilan sa mga scenarios na nagpasaya sa aming bakasyon doon...
Scenario 1
During our road trip, nagkwekwento si Mama G about sa soldering iron na i-chinarge ko sa kanya.
Mama G: Lam mo daddy, manghihiram na lang si Cheryll tapos sa akin pa ichacharge yung SHOULDERING IRON na gagamitin para dun sa motor ni kambal.
Papa G: Soldering iron mommy. Panghinang na lang para di ka mahirapan.
Scenario 2
Sa Bellarocca, biglang kumatok si Mama G sa room namin sabay sigaw "HOME SERVICE!"
Huwat??? Ano yun manicure/pedicure? Hindi pala, ang ibig sabihin pala niya is "ROOM SERVICE." Hahaha!
Scenario 3
Sa Good Chow Restaurant, nung sinerve na ng waitress yung order ni Madir...
Mama G: Yan na ba yung "BIRTHDAY BONUS?"
Me: Ma, birthday noodles hindi birthday bonus!
Mukhang iniisip na ni Mama G ang kanyang birthday bonus from Papa G this coming birthday niya ha. Hehehe.
Scenario 4
Sa Good Chow Restaurant pa rin, nung sinerve ng waitress yung sizzling tanigue ni Papa G biglang humirit si Mama G...
Mama G: Sizzling ba yan? Bakit hindi NAGSEISEIZE?
Me: Ma, sizzle.
Si Mama G talaga, ginawa pang toxic patient yung tanigue na nagseiseizure attack. Hehehe.
Scenario 5
One night, habang naglalakad kami sa may plaza, may mga babaeng naka-scrub suit. Biglang inapproach ni Mama G sabay tanong: "NAGMAMASAHE KAYO?"
Porket naka-scrub suit, masahista na kaagad hindi ba pwedeng mga nursing student lang muna?
Scenario 6
One afternoon, tumawag ang aking bunsong kapatid sa cellphone ni Mama G. Very excited si Mama G kausapin ang kanyang paboritong anak.
Mama G: Anak, anong gamit mo? VIPER?
Me: Ma, Viber hindi Viper. Ano yun ahas?
Si Mama G talaga, walang kupas ano???
No comments:
Post a Comment