Guys, na-experience niyo na ba yung super nag-cracrave kayo sa isang food, yung tipong naglalaway na kayo, tapos when you are about to buy it, wala kayong makita?
Kakafrustrate lang di ba? Yan ang aking nararamdaman ngayon. As in sobra!
I'm craving for ginisang alamang kasi. Iniimagine ko siya na imamatch sa pritong talong. Tapos tipong kakain ako ng nakakamay. Hmmmm... Sarap di ba?
I went to the wet market early this morning dahil I need to buy rice. Then I went around to look for fresh alamang. As in sinuyod ko buong palengke ha. Pero wala akong nakita!!! Merong alamang pero bagoong! Kakainis lang eh.
Bakit ganun ano? Kapag hindi mo hinahanap, pakalat kalat lang. Pero kapag gusto mo na, dun naman nawawala?
No comments:
Post a Comment