Ads

Sunday, June 09, 2013

Village Thief/ves Attacked Again

When I went to my parents' house this morning ang unang bungad sa akin ng daddy ko is "Lagot ka sa mommy mo. Galit na galit sa iyo. Kaya nga ba raw sa Makrolink niya pinapapark yung Navara kasi either may naninira o ninanakawan yung sasakyan natin. Kung dun lang sana naka-park sa Makrolink yung Navara eh di yung Alterra lang sana ang nadali." (Sa akin nagagalit kasi I'm the one using the Navara since ginagawa naming service ng mga kulilits)

So I asked my dad what happened. Ayun nga, nadali lahat ng side mirrors ng mga cars nila na nakapark sa labas plus yung lahat ng center caps ng mga gulong ng Alterra. 

The Isuzu Alterra...






The Nissan Navara...




And guess what? Hindi lang kami ang nadali. I went to the house of one of the subdivision's officers and reported the incident. Tapos sinamahan ko rin mag-ikot sa buong village to check kung may iba pang victims. Sa pag-iikot namin, marami pang ibang nabiktima. May Toyota Vios, Mitsubishi Strada and Toyota Altis. Majority ng mga cars na nanakaw ay sa street namin.

Grabe talaga ang ibang mga tao ano? Hindi na lang magtrabaho ng maayos para kumita ng pera. Kailangan talaga mamuwerhisyo pa ng mga nananahimik na tao para lang sa kalokohan nila. Hindi naman nila ikayayaman ang ganyang gawain eh. Lam niyo yun, karma ang katapat. Haaayyyssstttt....

No comments:

Post a Comment