Ads

Tuesday, June 18, 2013

Adventures in Marinduque: Bellarocca Island Part 3

This blog entry is about our last day at Bellarocca Island Resort & SPA.

Our initial plan for the day is to swim at the seaside swimming pool (infinity pool). Unfortunately it is under maintenance when we got there. We have to wait daw for 1.5 hours to be able to swim. Eh sayang ang oras since we need to check out at 12:00nn kaya we went to the Aqua Sports Center instead.

We went swimming at the beach. In fairness ha, hindi na nandidiri ang mga kulilits sa sand (pebbles). Dati kasi ayaw umapak sa sand eh. They enjoyed the sea water. Walang takot talaga! Basta tubig ata, go go go lang yung dalawa eh.




What I like about the sea water is that it is not that salty as compared to other beach. Very clean din ang tubig as in makikita niyo yung ilalim. Ang drawback lang is instead of sand, pebbles yung shore dito. Pero carry lang naman. =)

We went kayaking also. Saglit nga lang. Scared kasi si hubby eh. Hahaha! Inggit nga ako sa parents and brother ko kasi they went kayaking around Bellarocca Island.




Kwento ko ang happenings nung nagkakayak kami (papatayin ako ni hubby. Hahaha!).

Actually, while we were kayaking, nagtatalo kami ni hubby. Panay sabi niya sa akin ng mga sumusunod:

....magbalance ka nga. Imagine you are riding a bicycle!
...turn! turn! turn!
...wag kang lalayo!

Ang sagot ko naman is:

...why do I need to balance? Relax lang naman ako eh. Ikaw ang galaw ng galaw diyan eh! You don't need to do anything, just be still!
...Yes, I'm turning na! Hindi ka ba marunong magsagwan? If you want to go to the left, sa right ka magsasagwan. If you want to go to the right, sa left ka naman magsasagwan. Kung drastic ang pagturn na gusto mo, kailangan magsagwan deeper!
...Be, ano ka ba? ang babaw lang nito and may kasama tayong guide. Beside, may life vest tayo!

Kaya bandang huli, kababalance ni doc, tumaob ang kayak na sinasakyan namin! Sa sobrang kaba niya, napasigaw siya sa akin kaya ang mga kulilits nagulat at umiyak tuloy.

Doc Padu: Yan na nga ba ang sinasabi ko eh! Hindi na! Hindi na tayo magkakayak! Magswimming na lang tayo!
Me: Ako na lang ang magkakayak. Sasama ako kila daddy umikot.
Doc Padu: Hindi! Dito ka lang!

Bilang "submissive" wife (charot!), sumunod na lang ako sa KJ (kill joy) kong asawa. Hehehe. Nagswim swim na lang kami.

Mga after ilang minutes, sa aking pagrereminisce ng mga pangyayari, bigla na lang akong natawa. Natatawa kasi ako sa reaction ni hubby eh yung tipong panic to the max. Eh, napansin niya ako.

Doc Padu: Anong tinatawa tawa mo diyan?
Me: Wala, naalala ko lang yung kanina. Takot na takot ka eh. Nagulat tuloy yung kambal. As if naman malulunod ka eh ang babaw babaw and may life vest tayong suot.
Doc Padu: Ano ka ba, buti na lang at sa mababaw lang tayo tumaob tapos gusto mo pang umikot sa buong island. Buti kung tayo lang, eh kasama natin mga bata.
Me: Hu... Dadahilanin mo pa yung kambal. Aminin mo na na takot ka. Kasi balance ka ng balance na hindi naman kailangan. Lalo tuloy umuuga yung kayak kaya tumaob. Tapos, napansin ko hindi ka sumasagwan. Ako ang pinagsasagwan mo. Wala kang ginawa kundi magbalance.
Doc Padu: Oo na! Oo na! Eh sa hindi ako marunong magkayak eh!
Me: Hahaha! Ayun naman pala eh! Eh di inamin mo rin! May nalalaman ka pang 'you should balance like riding a bicycle' jan!
Doc Padu: Hmf! Wala kang ibang alam apihin kundi ako! Huwag mong ibloblog yan ha!!!
Me (with evil grin): Bahala ka! Bwahahaha!

After ng tawanan namin, nagsnorkeling na lang ako. Eh may part na biglang lalim, umandar na naman ang pagkanaughty ko.

Me: Be, alika dali, tignan mo ang ganda!
Doc Padu: wore his snorkeling gear and went under water sabay tayo kaagad in less than 2 seconds.
Me: Hahaha!
Doc Padu: Inaapi mo talaga ako!

Anyway, when my parents arrived. We all, except for hubby, went snorkeling to the deep waters. Ang saya! Ang daming fishes. Iba't ibang kulay and sizes. Pati si kambal naki-snorkeling sa amin.

Pagbalik namin, pinilit ng mom ko si hubby na magsnorkeling. Sayang naman daw kung hindi niya makita yung mga isda. Sabi ni mommy, hawak na lang siya sa lifebouy ng guide. Buti naman at napapayag at inovercome niya yung fear niya.




After magsnorkeling ni hubby, we all went back to our rooms to prepare for our check-out.

That's it! That's our last day at Bellarocca. Very fun and memorable. Hehe. =)

No comments:

Post a Comment