Ads

Monday, November 26, 2012

Mama G's Laughtrip: Sablays in Tagaytay Highlands

We spent our weekend at Tagaytay Highlands and siyempre it was more fun because of my Mom's sablays. Hehehe. Let me share them to you guys...

Sablay #1: Hungarian Sausage

Mama G (referring to the T.J. Jumbo Chicken Cheesedog): Anak, masarap ba yang hotdog na yan?
Me: Opo ma, ganito rin binibili ko kaso yung regular size lang kasi walang malaking pack yung Jumbo eh.
Mama G: Ganun ba? Meron pa nga ako sa bahay na Hunger? Hungerian Sausage ba yun?
Me (laughing): Ma, Hungarian hindi Hungerian.
Mama G: Kaya nga nagtatanong ako eh, kasi hindi ko sigurado.

Sablay #2: FB Hacking

While talking about the video of Chris during one of our learning sessions...

Papa G: Ang galing talaga ng apo ko, manang mana...
Mama G: Oo nga eh, may nakalagay na nga sa FB ko na manang mana kay Papa G. Lam mo ba dad, ewan ko ba, may naghoohook talaga sa FB ko.
Papa G and Me: Laughed out loud
Papa G: Hack yun hindi hook. Ayan, bida ka na naman sa blog ng anak mo...

Sablay #3: Rice Cooker

There is no rice cooker sa unit na pinagstayan namin sa Highlands so we went to Handyman to buy one. Then pagbalik namin sa unit...

Mama G (to Nanay Anding): Nay, gutom na ba kayo? Nagmerienda ka ba habang wala kami?
Nanay Anding: Magsasaing nga sana ako kaso wala naman palang rice cooker dito.
Mama G: Kaya nga bumili ako ng washing machine eh!
Papa G and Me: Laughed out loud
Me: Ma, anong washing machine?
Mama G: Ay, rice cooker pala!

Sablay #4: Leopard Print

Sanay yung mga kulilits sa blanket kaya hindi makatulog without it. At highlands, 1 lang yung blanket na dala namin for the kulilits. Eh ayaw magshare kaya napabili si Mama G ng 2 blankets nang di oras.

Mama G: Ang gaganda ng kulay ng blankets ano?
Me: Oo nga eh and ang sarap sarap pa sa katawan kasi ang lambot. Sana hindi magbago yung texture pag nalabhan no Ma?
Mama G: Hindi naman siguro, yung nabili ko ba dati nag-iba? Ano ba yung kay Chris doon, yung leotard ba?
Me: Leotard? Leopard Ma!
Mama G (laughed at herself): Ay, leopard pala!

No comments:

Post a Comment