Ads

Monday, November 12, 2012

Feeling Superwoman!

We don't have a household help already. My hubby fired Manang last week. Well, it's a lllooonnnggg story. Ayaw ko nang pag-usapan pa at baka mastress lang ako. Hehehe.

In short, I'm the only one managing the house and the twins. Kung iisipin pa lang mahirap na di ba? Lalo na kung sa real life. Anyway, I'm very happy na kayang kaya ko pala. Feeling ko ngayon ako ay isang Superwoman!!! Hahaha. It's a good thing that I am trained by my parents to be an organized and systematic person. Yun lang naman talaga ang key eh. 

Sa experience ko right now, mas fulfilled ako. Very challenging kasi eh. Aside from that, feel na feel ko ang pagiging dakilang housewife. Hindi rin naman ako sanay na walang ginagawa eh. Kaya nga nung may helper pa kami, feeling ko inutil ako kasi ang ginagawa ko lang ay bantayan and turuan ang mga kulilits. Ngayon, I'm very proud because I can properly manage our home. In fact, mas naging maayos pa.

My hubby naman, he is telling me na iconsider pa rin ang kumuha ng panibagong helper kasi ayaw niya ako maburn out. I told him naman na ang isang tao kapag enjoy and mahal niya ang ginagawa niya never na mabuburn out. I told him din na ako mismo ang magsasabi sa kanya kung kakailanganin ko na ng tulong. As of now din kasi, ayaw ko naman na kukuha na naman ako ng bato na ipupukpok ko sa ulo ko.

I learned a lot from what had happened and here they are...

1. Never kumuha ng helper na isinuka na ng iba. Kaya nga isinuka di ba? Ibig sabihin may mali na. At first, ok ang performance and pakikitungo. Habang tumatagal, ayan na, lalabas na ang tunay na kulay and marerealize mo na kung bakit napatalsik dati.

2. Never kumuha ng helper na nanilbihan na sa pamilya ng matagal na (not unless walang issues). Ang tendency kasi nito ay nagiging komportable na at nawawala ang boundary ng employee-employer relationship. Aside from that, ang nagiging tingin pa rin sa iyo ay ikaw pa yung little boy or girl na pinagsilbihan nila rati.

3. Set FIRM rules from the start pa lang and stick to it.

4. Kung may mga flaws na nakikita from the start and hindi nareresolve, huwag nang patagalin pa at huwag nang hintayin na magkasakitan pa.

5. Don't give your complete trust. Totoo nga yung kasabihan na kung ang isang tao may nasasabing masama about sa ibang tao, most likely kaya ka ring ibackbite nito.

6. Huwag kaagad magpapaniwala sa mga paawa effect dahil they are just trying to get your sympathy.

7. It's very fulfilling kapag nagawa mo ang isang bagay na sa tingin mo ay imposible.

8. At marami pang iba na sasarilinin ko na lang.

So that's it! I'll just move on and learn from this experience for I know that it will help me become a better person.

No comments:

Post a Comment