Toddlers are like sponge absorbing every words, actions, mannerisms, values etc. that they hear and see. That is the reason why adults should watch the words they say or actions they do in front of their children.
Right now, I've been witnessing this "sponge" thing with my kulilits. Nakakatawa nga eh kapag bigla mong narinig or nakita sa kanila. Sobrang cute nilang tignan tapos lalo pa nilang sasabihin or gagawain kapag nakita nilang aliw na aliw ka.
Moment No. 1: In The Bathtub
While Ian and Chris are swimming in the bathtub, biglang nagsalita si Chris: "Pututoy...Pututoy..." Then Ian echoed: "Pototoy! Pototoy! Pototoy! Pototoy! Pototoy!"
Navideo ko ito. I'll share it to you one of these days.
Moment No. 2: The Buddha
In my bestfriend's house, Chris saw a Buddha and said: "Boobies! Boobies! Daddy! Daddy!"
Grabe, tawang tawa kami ng bestfriend ko dito. Hindi ko talaga ineexpect na nastick sa utak ng anak ko yung kakulitan namin mag-asawa every time nakikita nila yung chest ng daddy nila.
Moment No. 3: Utot
Nung bigla akong nagfart (Hahaha...everybody farts naman di ba?), narinig ni Chris and biglang sinabi: "Pootut! Pootut!"
Moment No. 4: Poopoo
Chris pooped and said to me: "Pooput! Pooput! Ebak! Ebak!"
Nagulat ako dito ha. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ito. Pero most likely kay Mama G. Hahaha.
Moment No. 5: Dirt
Sa house namin, lagi akong nagpupulot ng mga nakikita kong small dirt (ultimo strand ng hair ha) and I throw it sa trash can. Since nakikita ako ng mga kulilits, ginagaya nila ako kaya si pulot din sila. Good thing hindi nila sinusubo yung mga napupulot nila. Kapag nakikita ko kasi silang may pinupulot, inuunahan ko na sila by saying dirty yun. So every time may napupulot sila inaabot nila sa akin sabay saying "Doyti! Doyti! Doyti! Yak! Yak!"
One time, Ian went to me and said "Mamits! Mamits! Yak! Yak!" then he handed to me the dirt that he picked up. Kadiri kaya! Poopoo ng butiki!
So ayan na lang muna, nagmemory gap ako eh. Pansin niyo si Chris ang maraming words? Masmadaldal kasi siya compared to Ian. Ang cute di ba? Sobrang kulit ng dalawa. Kaya nga hindi ako nabobore dito sa bahay eh kasi aliw na aliw ako sa kanila.
Basta pag meron ulit, shashare ko sa inyo...
No comments:
Post a Comment