Ads

Wednesday, March 04, 2015

I'm Preggers... AGAIN!!!

During the past few days, hindi talaga ako mapakali. Di pa kasi ako nagkakaroon and I'm scared na baka buntis ako. Scared ako kasi, honestly speaking, ayaw ko pa sana sundan si Christoff. Why? Feeling ko di pa ako prepared to have a new one and parang naaawa ako kay Christoff dahil baka hindi ko siya masyadong mapansin since yung attention ko more on sa twins (I'm homeschooling them) and to the new baby.

Si hubby naman, medyo relaxed lang. He's not taking seriously all my worries. Like na lang, for example, my text message to him last February 23...




O di ba parang mag-jowa lang ang peg ni hubby. May nalalaman pang siya ang bahala magsabi sa parents ko at pananagutan niya. Abnoy lang talaga eh. Haha! Pero I talked to him and told him my thoughts about having a new baby. Ayun, dun na nagsink in sa kanya kung bakit worried na worried ako.

Anyway, until yesterday, March 3, di pa rin ako nagkakaroon. Kulit ako ng kulit kay hubby na bumili na ng pregnancy test kit. Ayaw naman bumili, sabi ng sabi na "hindi, magkakaroon ka na niyan." Then, I made fun na lang out of it. Sabi ko, ano kaya if I'm preggy nga, kung sakali ano kaya ang magiging gender sa Chinese gender calendar...


photosource

Hala! At first, na-upset naman ako, kasi sabi BOY daw since my age now is 34 and month of conception is February. Then, I read somewhere that I should make sure that my age should be my Chinese age. Ayun, nagcompute na ako ng Chinese age ko and it turned out na 36 ako dapat. Then I rechecked the Chinese gender calendar, at sa wakas, GIRL na raw. I told hubby about it, sabi ko sa kanya, if totoo nga ang Chinese gender calendar at kung girl na, pwde na rin na preggy ako. Hahaha!

So today, as usual, hindi pa rin ako mapakali so I decided to buy two pregnancy test kits para matapos na ang pag-iisip ko.

I tested twice this morning, and yes, I'm PREGGERS again...




I'll just have an ultrasound on the third week of March to confirm my pregnancy and to make sure that the baby is ok.

Well, nandiyan na yan... It's a gift and blessing from God. Hindi naman kami bibigyan ng isa pang anak kung hindi namin kayang ihandle di ba? Si God lang ang nakakaalam niyan. Maybe He has plans... Parang noon, kaya pala di muna Niya kami binigyan ng anak dahil ayaw Niya ako mahirapan since hubby is just a training doctor that time. Tapos nung binigyan na Niya kami ng anak, dalawa pala kaagad so bawing bawi yung 4 years na hinintay namin.

Anyway, boy or girl man (pero sana girl na para quota na), I'm wishing for another healthy and safe pregnancy. =)

7 comments:

  1. haha. laughtrip hubby mo! teenager lang.. happy for you! God Bless.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha! Ang kulit di ba ni hubby?

      Thank you so much and God bless you too! =)

      Delete
  2. Parang mag boyfriend lang talaga ang peg nyo ng asawa mo. Hahahaha! Infairness, alam mo talaga ang computation sa Chinese Gender Calendar. Magawa nga yan minsan baka magkataon. Anyway, last year pa pala itong post mo.. mag 1 year na ang anak mo this March! Ano nga pala mga tina-take mong vitamins, supplements at gatas para sa anak mo? Buntis kasi ako ng 2 buwan, tapos first baby pa. May sinabi yung kapitbahay ko na try ko daw mag Anmum Materna. May idea ka ba? Salamat.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi Kathrine!3 months pa lang si baby, mag 4 months sa 22. When Im still pregnant, Im taking OB Smart for my vitamins and Malunggay Life Oil para pampadami ng supply ng breastmilk. Di ako nag A-Anmun kasi malakas daw makataba eh. Baka lalo kasi ako lumobo pag nagtake ako.

      Thanks for dropping by my blog! God bless.

      Delete
  3. Hi @Adventureras, I happened to read your convo with @Kathrine. Regarding sa Anmum, actually hindi naman siya nakakataba kasi nagta-take din ako. Ewan ko lang, siguro iba-iba lang talaga tayo ng hiyang kumabaga parang sa sabon? Tama ba ako? Hahaha. Ano ba formula mo?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi Sophia! I'm exclusively breastfeeding my baby. :)

      Delete
    2. Hi Sophia! I'm exclusively breastfeeding my baby. :)

      Delete