Ads

Saturday, June 02, 2012

Flight Experience with Twins: Manila to L.A.

Our trip to the US is extra challenging. In our flight going to L.A., it was only hubby, our twins and me who traveled. You can't just imagine how tiring the flight could be - with the long travel hours, balikbayan boxes and the kulilits(the twins). Grabe, sa NAIA pa lang during our check-in, tagaktak pawis na ako. Eh paano ba naman, ayaw ng kambal kapag nakapark lang ang stroller, nagwawala sila. They want it mobile. Ayun mukha akong tanga sa kalalakad sa kanilang dalawa. Just imagine me pushing two strollers at the same time around the airport.

During our flight naman, buti naman behave sila. Hindi sila pumipiglas while they are on our lap. Medyo naging cranky lang sila dahil mainit sa plane. The hassle part lang is when it's time to eat na. Pareho kami ni hubby may kalong na baby, so we take turns in eating. Ako muna ang kakain habang kalong niya yung mga kulilits. Then after I eat, siya naman. Ay naku, nabad trip nga ako during our first meal. Nung turn na ni hubby, biruin mo feel na feel niya ang pagkain ng food ng eroplano with matching nuod ng TV. Sabi ko nga sa kanya be conscious and sensitive naman. Nung ako kumakain, super paspas ako kasi bitbit niya yung 2 at inaalala ko na nahihirapan siya, tapos ako pinabayaan na. Hmp!

Aside sa meals during the flight, ang hirap din yung part na magpreprepare ng milk nila. Lalo na masikip and may hawak na baby. Asar nga ako sa stewardess kasi hindi helpful eh. Nakatitig lang talaga sila. Haaayyy...

Another challenge is yung pagpee namin ni hubby. Ako lang yata ang nakapag restroom eh. Si hubby sa sobrang uncomfortable sa flight hindi nakapagrestroom during the 12-hour trip (Taipei to LAX).

So when we arrived at LAX, sobrang dugyot and mukhang harassed kami ni hubby. Yun bang feeling na super lagkit and baho na. Ang first thing talaga na nasa isip namin ni hubby that time is to have a good bath.

Eto talaga yung mga times na sana may bitbit kaming yaya. Super stressful pala talaga if you have twins. Pero at least we survived. Hahaha...

No comments:

Post a Comment