Ads

Saturday, June 09, 2012

If You Pay Peanuts, You Get Monkeys

Before leaving for U.S., I decided to buy a pangharabas bag that I'll be using for one month. Nanghihinayang kasi ako if I use my other bags. Most of them kasi signature, baka malaspag lang and siyempre hindi naman pang everyday use yung mga yun. Lalo na ngayon na halos lahat binibitbit ko. My stuff, my hubby's stuff and my twin's stuff. Just imagine kung gaano kasiksik and bigat ng bag ko every time magkakasama kami.

So during my last minute shopping at SM, I saw a big blue faux leather bag. Sabi ko ok naman ang style and tama lang ang laki para mapagkasya mga things namin - wallet, ipad, passports, etc. Aside from that, sale din so I bought it for a thousand only. Sabi ko ok na ito, kahit malaspag di masakit sa bulsa.

It is a Jiovanni International bag and below is the picture:

Jiovanni International Bag
When I arrived home, I showed it to my hubby and told him that I bought a chipipay bag. I told him na susubukan ko lang kung ok din magcarry ng ordinary bag. He just smiled at me.

Eto na ang best part. Day one pa lang ng travel namin. As in nasa NAIA Terminal pa lang kami, checking-in our baggages, bumigay na yung isang part ng handle. Tapos while walking papunta sa Miascor lounge, unti unti nang bumibigay yung ibang part ng handle. My goodness gracious talaga. Hindi man lang nakaabot sa US. Natawa na lang kami mag-asawa. Talaga palang totoo ang kasabihan na "If you pay peanuts, you get monkeys". Sinabihan na lang niya ako na next time, wag na ako bibili ng kung ano ano lang.

Now, I tried na gawain yung bag. Sayang din naman kasi dahil di ko man lang nagamit ng matino. Tinahi ko yung handle and tinibayan ko ang pagkakatahi (super weak talaga ang pagtahi kasi isang hila ko lang sa thread tanggal na ang tahi). I'm just hoping na magamit ko siya at least 3 times. Pagnasira pa rin, that's the time na ipamimigay ko na siya.

Kayo guys, what are your experiences in buying bags?

No comments:

Post a Comment