Yey! At 2 years and 3 months, the kulilits no longer wear nappies on day time. I just let them wear their nappies during sleeping time at night and whenever we go out. That just means na menos na sa aming monthly budget ang nappies dahil average 2 nappies a day na lang ang gamit nila. =) Didiskartehan ko na lang on how do I train them not to pee in bed and I'll try na rin not to wear them nappies whenever we go out the house.
Ang galing talaga ng timing ano? Sabi ko nga kay hubby, sakto ang dating ng new baby namin kasi by that time, malamang hindi na nagdidiaper ang mga kulilits tapos yung milk nila ordinary milk na lang and bihira pa uminom dahil busog na sila sa table food.
I'm so lucky with the twins talaga. Kahit sobrang kukulit and harot, mababait naman sila and walang kaproble-problema sa pagtrain sa kanila.
Here in the house since alam nila na kaming 3 lang, behave lang sila doing stuff while I'm doing the household chores. Tapos when we go out na 3 lang kami, well-behaved din. Lakad lang din sila and they listen to me when I say na "no carry ha".
Sa pagkain, lahat halos kinakain. They are not that picky. I don't cook separate meals for them kasi. Kung ano ang nakahain, yun ang dapat kainin. Tapos, they eat on their own na rin. Kahit makalat, ok lang at least they learn how to eat on their own. Sa bottle feeding naman, ang aga ko grumaduate dun. At exactly 2 years old, no bottles na talaga sila which I shared in my blog post here.
When it comes to their toys and art materials, very neat yang mga yan. After playing, they help me keep their toys. Tapos sa art materials din, automatic din sa kanila na lilikpitin after. Yung sa crayons, isang beses lang nangyari yung nagsulat sa walls and floor. After that incident, never na nilang inulit. Nakakatawa nga minsan dahil paglumalakpas sa floor yung pagcolor nila, automatic nilang pinupunasan yung floor.
Naku ang dami ko nang sinabi eh tungkol sa potty training ang blog post na ito. Hehehe. Natutuwa lang kasi talaga ako sa development ng kambal. Parang napakadali kasi for me. Walang kahirap hirap dahil very cooperative sila sa akin.
How about you? How do you train your child? Care to share some tips?
No comments:
Post a Comment