Ads

Friday, May 03, 2013

Camping at the Attic

You know what? Ang galing ng timing ng aircon namin sa room. Kung kailan kasagsagan ng init, dun pa bumigay. Haaayssstt! Ang malas lang talaga ano?

All the while akala ko marumi lang that's why I called the service center to have it cleaned. Nung nalinis na, lumalamig naman pero slight lang kaya the technician told me to observe it ng mga ilang araw. After few days, hindi talaga lumalamig ng todo kaya I decided to have it repaired na.

Kaya ayan, ilang days na kami nagcacamping sa attic namin (since yun lang ang next area sa house na airconditioned)...




Ang saya saya namin ano? Just imagine the four of us na natutulog sa bed ng kambal. Kasya kami! Nakabaluktot nga lang. Hahaha! Tiis to the max talaga, makatulog lang sa malamig! Hehehe.

May chikka nga pala ako sa inyo. Nakakwentuhan ko yung technician. Pangalawang instance na kasi ng aircon namin na nagkaleak eh and hindi biro ang presyo ng repair which is P2,800.00. So ibig sabihin nakaka P5,600.00 na ako sa repair ng aircon. Eh magkano lang ang bili namin ng aircon, more or less P15k lang. Sabi ko pag nasira ulit, bibili na ako ng bago. Then he asked me kung ilang years na yung aircon namin. Sabi ko around 5 years siguro. Sabi niya, buti nga raw tumagal ng 5 years. Yung mga aircon daw kasi ngayon, mga 3 years lang ang life and style daw ng mga aircon manufacturing companies yun para kumita(marketing daw). May ganung effect? Hahaha! Sabagay, di hamak naman talagang mas matitibay ang mga gamit noon kaysa ngayon. Ngayon, ang mga gamit sa bahay ay mas mura, mas madaling bilhin, mas madaling masira at mas madaling palitan. Gets?

No comments:

Post a Comment