I am supposed to blog a lot yesterday night kaso lang hubby called because he had an accident. At first I was mad at him because I thought it's because of his recklessness. Lam niyo naman yun, napakainit sa manibela. Lahat ata ng vroom vroom, pujs and pubs gustong banggain eh. Gitgit kung sa gitgit. Basta, many to mention ang kanyang pagkamainit sa manibela.
Pero when I went to the place kung saan siya na-aksidente, naiyak na lang ako nung nakita ko yung car niya. Lam niyo yun, muntik muntik na siya mapuruhan! Nakasampa na sa vacant lot yung car and muntik na siyang tumama sa poste. OMG talaga! Napahagulgol na lang ako. Ang daming what ifs na pumasok sa utak ko. Nakakatakot talaga dahil ang liliit pa ng mga kulilits and a new baby is on the way pa.
I went down the car and asked him what really happened. Nakatulog daw kasi siya! Yun kasi ang problem with him eh, he has a sleep apnea kasi which is a kind of sleep disorder. Yung tipong kahit natulog siya, hindi enough yung sleep niya dahil hindi umaabot sa REM stage yung kanyang sleep.
Anyway, I hugged him tight and nasuntok ko siya. Nasuntok hindi dahil sa galit ako ha. Nasuntok ko dahil muntik na niya kami iwan. Sabi ko nga sa kanya, ok lang kahit sira sira na yung car niya, ang mahalaga is buhay siya and walang masamang nangyari sa kanya.
I tried to take some photos of the car pero medyo malabo since gabi na yesterday eh...
Here is the position of his car after the accident...
Here is the Kia Sorento na nabangga niya. Muntink na niya ma-head on buti na lang at nakaiwas sa kanya kaya yung rear tire lang ang tinamaan niya...
Di ba muntik na sa poste?
Here is hubby's damaged car. Lahat sa driver's side. Warak yung left side ng harap, mis-aligned wheels, broken side mirror and almost broken wind shield (buti na lang at hindi tuluyang nabasag!)...
Since malapit lapit ang accident sa garahe ng mom ko, nagpadala na lang kami ng 10-wheeler truck namin para makarga yung car niya. Mahal ang towing eh. Pero yung Sorento hindi na nakayang i-akyat kaya no choice kami but to have it towed na lang.
After maikarga yung car, we went to the police station to file a police report. We went home past 12mn already.
This experience is very traumatic for us. We are very thankful to God because He still protected hubby that nothing serious happened to him. GOD IS GOOD, ALL THE TIME!!!
No comments:
Post a Comment