Ads

Saturday, May 25, 2013

Gassed Up for Coke and Max's =)

May hindi pa ako naikwento sa inyo. Eto yung mga latest experiences namin sa paglagay ng gasolina sa aming munting sasakyan. Hehehe.

May promo kasi ngayon ang mga Shell gas station. That is may libreng 1.5L Coke whenever you gas up (see their promo here). At the same time, on-going din ang promo ng EastWest Bank for Max's Fried Chicken (see their promo in my blog here). Knowing me, I took advantage of those promos. Sayang ang freebies di ba? Aminin, sino ba naman ang aayaw sa libre? Hahaha!

So eto na...

Scenario 1: Full Tank Didn't Reach P2,000.00

Minsan ako na ang nagvolunteer magpagas ng car ni hubby para habang kumakain siya ng dinner, nagpapagas na ako. So dali dali akong pumunta sa nearest Shell sa amin at nagpafull-tank. Napuno at kinalog kalog na ang sasakyan pero hindi pa rin umabot sa P2,000.00. Bitin ng P62.00. Sabi sa akin ng gasoline boy na ok lang dahil accumulated purchase naman yung P2k para maka-avail ng Coke. Pero sa akin, hindi ok yun dahil kailangan umabot ng P2k ang pag-swipe ko sa credit card ko para ma-avail ko yung promo. Hehehe.

Alam niyo ba kung ano ang ginawa ko para lang umabot ng P2k yung babayaran ko? Nakiusap ako sa gasoline boy na mag-abang ng jeep o tricycle na magpapagas and willing ako maghintay para ma-avail ko ang promo. Hahaha! Buti na lang at may tricycle kaagad na dumating. Actually, P50.00 lang ang ipapakarga niya pero di ko alam kung paano napapayag ng gasoline boy na P62.00 ang ipakarga. So ayun, solve na ang problema ko. May Coke na ako, may Max's pa ako. Hehehe.

Scenario 2: Natuyuan 

Eto ang the best experience! Para lang umabot ng P2k ang full-tank, pinakiusapan ko si hubby na isagad yung gas niya. Ok naman nung una, nakaabot sa bahay kaso lang iniwan muna niya na naka-idle yung sasakyan knowing na ready na kami umalis. Unfortunately, medyo natagalan kaya ayun, saktong sakto nung pagsakay namin sa car biglang tumigil! Natuyuan ng gasolina yung sasakyan namin!!! Sa ilang taon namin nagmamaneho, ngayon lang kami natuyuan ng gasolina at dahil lang yan sa mga promo promo na yan! Hehehe.
         
And for hubby, sobrang tawang tawa siya sa akin dahil sa ilang taon niyang minamaneho yung sasakyan niya, ngayon ko lang daw sinisi na walang warning sign yung gas niya. Hahaha. Kaya sabi niya kaagad sa akin na wag kong kalimutang iblog ito. Hehehe.


Kayo ba mahilig din ba mag-avail ng mga promos? Ano ang pinakahibang na experience niyo when it comes to availing promos? Share naman...

No comments:

Post a Comment