Ads

Thursday, October 11, 2012

Why Mama G and Papa G?

Siguro nagtataka kayo kung bakit "Mama G" at "Papa G" ang gustong ipatawag ng mommy at daddy ko sa kanilang mga apo.

Sa totoo lang, ang mommy ko talaga ang pasimuno nito. Nung nagbubuntis pa lang ako, pinag-iisipan na talaga niya ng bonggang bongga kung ano ang itatawag sa kanila ng kanilang mga magiging apo. Pauso kasi ang mga teleserye sa pag-gawa ng pangalan sa mga lolo't lola eh. Nandiyan ang Mamita, Mamu, Wowa at iba pa.

Hanggang isang araw, inannounce na ni mommy ang itatawag sa kanila ni daddy...

MAMA G and PAPA G daw!!!

Ano ba raw ang ibig sabihin nito?

Pwedeng Mama Garcia and Papa Garcia. Pero sa totoo ang ibig sabihin daw nun ay Mama Ganda at Papa Ganda.

Ang vain ng mommy ko no? Hahaha...

Anyway, may kwento ako...

Nung binanggit niya ito sa Ninong Rody ko (nakababata niyang kapatid). Pinagtawanan siya. Bakit kamo? Kasi raw ang akala niya, ang ibig sabihin ng Mama G ay "Mama Galisha". Lakas tawa ko talaga dito. Si mommy mangiyak ngiyak na sa pang-aasar ng Ninong ko eh. Kasi nung bata pa sila, tawag nila sa mommy ko Galisha kasi ang dami niyang mamera sa legs niya (sensitive kasi ang kanyang skin kaya konting kamot sugat kaagad).

Pero carry pa rin ni mudra! Basta raw "Mama Ganda" ang ibig sabihin nun.

1 comment:

  1. Langya naman itong post na ito muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko hahaha... sakit sa tiyan kakatawa :)

    ReplyDelete