We arrived at Alabang Town Center at around 2:00pm and we met Lola Es and Lolo Em at Luk Yuen to eat lunch. Since we are already starving, we did not manage to take pictures of our food anymore. Anyway, we ordered Deep Fried Taro Puff, Fried Rice with Chicken and Salted Fish, Fish Fillet in Taosi Sauce and Braised Beancurd with Mushroom. Healthy right?
After lunch, we went to Rustan's Department Store and shopped a little. My FIL kasi has a new Citibank Rustan's Card. They have a promo kasi right now for new cardholders eh. New cardholders are entitled to have a Lacoste Bag as long as they use their card at Rustan's within the promo period.
We went to Lacoste to claim the free bag after meeting the minimum spending requirement at Rustan's. Unfortunately, we weren't able to claim it. May procedure pala. We called Citibank hotline and my FIL was advised to wait for a sms from Citibank informing him that he could already claim the bag.
Then again we strolled a bit and had some White Hat yogurt ice cream. I had it plain lang. Masiyado kasing matamis kung may toppings pa eh.
While eating the ice cream, yung mga kulilits medyo naghyper sa loob ng White Hat. Ginawang playground yung ice cream parlor. Takbo dun, takbo dito. Lambitin dun, lambitin dito. Akyat dun, Akyat dito. Nung medyo nakakahiya na ang kakulitan ng mga kulilits, niyaya na kami ng FIL ko maglakad lakad.
At the new wing of ATC (where Metro Gaisano is located), we rested for a while. Siyempre nagphoto-op ang lolo't lola with their apos.
Lolo Em and Ian |
Lola Es and Chris |
Ang mga kulilits tila may mga nunal sa kanilang mga paa. Hindi mapirmi sa isang tabi. Ayaw ng nakatambay lang. At yan ang simula ng kalbaryo ko nung araw na yun. Daig ko pa ang nag-gym sa Slimmer's World sa kakasunod, kakahabol at kakakarga sa mga kulilits.
Eto ang ilan sa mga pictures na nagpapatunay ng kalikutan ng mga kulilits...
Oh di ba? Feel na feel ng dalawa na pinagtitinginan sila. Tila pang nag-eexhibition sa gitna ng mall. Laking tuwa siguro ng janitor ng mall dahil nalampaso na nila ang mga sahig.
Si Chris dito sige ang lakad habang si Manang panay sunod sa kanya. You can see naman sa face niya na go na go si Chris sa paglalakad.
Dito naman, si Ian masyadong maligalig. May kasama pang tili at palakpak habang naglalakad ng mabilis. Wait! Tignan niyo, you can see Chris at the background. Ano ang masasabi niyo? Sa magkabilang direction pa sila naglalakad right? Sino ba naman ang hindi mapapagod sa dalawang ito? Parang nakawala sa hawla. Hehehe.
After ng ilang minutong habulan, we went inside Metro Gaisano at napadpad kami sa toy section. Again, nagmistulang playground ang toy section.
Chris here is playing the mini drum set. Gigil na gigil ang bagets sa pagpukpok ng drumsticks. Buti na lang at matibay tibay yung drum set at kung hindi todas kami! Hehehe.
There are rechargeable vehicles around also. Hindi pa rin pinalampas ng mga kulilits yun. Buti na lang at mababait yung mga salesladies sa Metro. Nag-enjoy din silang laruin yung mga kulilits.
Ian here is trying out the Mini Cooper. Ang ganda sobra ng Mini Cooper! Sana pwede itrade-in yung Ferrari car nila with this.
After playing around the toy section, nahirapan kaming umalis dahil ayaw umalis ng mga kulilits. As in nagwawala ng sobra. Ayaw tantanan yung mga toys. Yung Lolo Em nga nila parang gusto nang bilhin yung nilalarong toy dahil nakakaawang tignan.
Ngayon ko lang naexperience yung ganito sa mga kulilits. Marunong na silang magmanipulate talaga by doing tantrums.
Moving forward...
Dinner time na and naghanap kami ng makakainan. We were suppose to eat at Friday's. Sinuggest ko yun kasi may nabasa akong 50% off sa mga Citibank cardholders. Pero when we got there, may particular date pala which is bandang November pa. Kakahiya talaga kasi di ko binasa ng buo yung promo mechanics. Then we checked Recipes. Pero parang ordinary lang yung menu so they decided to eat na lang sa Pepper Lunch. Nung nandun na kami, waiting pa. Eh tomjones na ang lahat kaya hubby suggested Abe na lang. On the way to Abe, my FIL spotted Xoi Vietnamese Kitchen and checked out the menu. Mukhang ok naman kaya he decided na dun na kami magdinner.
That ended our day. We all went home full and happy.
Hi Sis, just want to know if your FIL was able to redeem the Lacoste bag? Thanks!
ReplyDeleteHello sis! Yup yup, my FIL was able to redeem the Lacoste bag. :)
Delete