Ads

Saturday, October 27, 2012

Driver's License Renewal

I renewed my driver's license on the exact date of its expiration date. Oh yes, it was my birthday.

I had it renewed at the LTO Driver's License Renewal Center near Alabang Town Center. I went there at around 10am and finished at around 12nn. Ang bilis no? I should have finished earlier kaso I had a problem with my urine sample. It's not what you think ha. I'm not into drugs. Hehehe.

Nung una kasing try ko mag pee, hindi shumoot sa bote. Bad trip! Ang hirap naman kasi kapag babae no! Hindi tulad ng lalaki super dali. So para mapabilis ang take 2, I went to Makati Supermarket to buy 1 Liter of water. Nilaklak ko yung water ng isang upuan para makapee ako agad agad. Ilang minuto na ang nakalipas, hindi pa rin ako makapee. Tinext ko na nga si hubby kung pwepwede kong haluan na lang ng tubig yung pee ko. Wag raw at baka mabisto. Hehe. Tapos
nung nagtry na ako, gapatak lang ang lumabas. Pressured?! Hahaha. In short, half lang ng bote ang napuno ko. Eh dapat daw punong puno. Pinakiusapan ko na lang yung technician. Sabi ko ginawa ko na ang lahat ng makakaya ko at ayaw talaga lumabas. Sabi ko rin na ayaw ko na maabutan ng cut-off. Buti na lang at pumayag.

Then sa loob ng LTO, ang bilis lang. Nung pagdating lang sa picture taking ako nahold. Hindi pa raw updated ang records ko sa kanila. Maiden name ko pa rin daw ang nasa record nila and ipapa-update muna raw niya. Anoveh? Kala ko ba centralized na ang LTO? Tapos di ba nagchacharge pa sila ng computerization fee? Isang mahabang haaaayyyysssstttt na lang.

Anyway, at least natapos din ako kaagad and it only took me 2 hours to renew my license. Aside from that, hindi ganoon karami ang tao unlike sa mga LTO office mismo. Pero may drawback din, temporary driver's license lang ang inissue sa akin kasi sira raw ang printer nila. I have to go back there on Monday to claim my plastic license.

So what lessons did I learn from renewing my driver's license? Here they are...

  1. Huwag muna umihi bago umalis ng bahay para pagdating sa pagkuha ng urine sample, ihing ihi ka na talaga.
  2. Kapag babae ka, magdala ng improvised tabo pangsalo ng pee. (Pwede na ang pinutol na bote ng mineral water)
  3. Maagang magpunta sa renewal center para hindi maabutan ng cut-off.
  4. Magbaon na ng malamig na tubig para sigurado kapag kailangang mag-take 2 sa pagpee.
  5. Huwag maprepressure. Lam niyo na! Hehehe.
O siya, sana naman at may napulot din kayo kahit papaano sa aking experience. Hehehe.

No comments:

Post a Comment