Ads

Tuesday, September 25, 2012

Wooden Fence for the Kulilits

The kulilits are in their terrible 1s. Yes, 1 hindi 2. One year old pa lang sila pero sobrang lilikot at kukulit nila. Takbo dito, takbo doon. Akyat dito, akyat doon. Sampa dito, sampa doon. At marami pang iba!

Minsan, muntik na mabagok ulo ni Ian sa hagdan. Napatalikod lang ako to put something in the sink, natanggal niya yung harang na nilagay ko sa stairs tapos umakyat. Tapos nung hahabulin ko na, nagmadali lalong umakyat. Kaya ayun, na out-of-balance siya at nalaglag patalikod. Buti na lang mabilis ang reflexes ko at nasalo ko yung ulo. Sobrang kinabahan ako sa nangyari and hindi ko ata mapapatawad ang sarili ko if something serious happened to my baby.

Kaya ayun, dali dali ako tumawag sa father-in-law ko to ask if they have some spare wood para makagawa ng harang sa stairs. I told him what happened to Ian. He got scared also kaya nagpacustomize siya agad agad ng wooden fence.

The fence is made up of palo china and it fits well sa stairs namin:

The fence at the first floor.



The fence at the second floor.



Ok naman di ba? At least safe na for the kulilits to roam around the house without me worrying na makaakyat sa stairs.

No comments:

Post a Comment