Ads

Saturday, September 01, 2012

Panicky and Stressful Friday Morning

Our flight to Puerto Princesa was at 8:00am yesterday and guess what happened?

We were suppose to wake up at 4:00am and leave at around 5:30am but it did not materialize. Hindi kami nagising! Buti na lang at ginising kami ni Manang ng around 5:45am. Grabe, panic to the max talaga ako and I was very stressed kasi we might not be able to make it in our flight since it is a Friday and we will be coming from Las Pinas pa. Wala na talagang ligo ligo; hubby and I just dressed up (good thing we took a bath the night before).

High blood talaga ako that morning. Kasi naman, Im not used to that kind of situation, yung ura urada ba. Ako kasi si Ms. organized eh. Ayan tuloy, parang armalite ang bunganga ko kahapon. Instead na relaxed and vacation mode ako, BV and nagpapalpitate tuloy ako the whole morning. Aside from that, hindi tuloy ako nakapagpaalam sa mga kulilits ng maayos dahil ura urada rin silang nilipat sa house ng parents ko.

We left our house at 6:20am. Thanks goodness to Skyway and we made it to Park n' Fly before 7:00am and nakaabot kami sa checkin sa airport.

Another stressful incident happened also inside the airport. May server kasi sa isang food stall doon na sobrang unprofessional. Hindi ko alam kung bakit hindi pa yun nateterminate eh. Wala man lang good customer service. Ang bastos niya talaga. Makikita mo na wala sa puso niya yung ginagawa niya. Why kamo? 4 points. One: habang naglalakad siya, she was dragging her feet na ang ingay maglakad na para bang tamad na tamad sa ginagawa niya. Two: Nakasimangot siya all the time. Three: Ang sungit niya sa mga customers. And four: Kung makalagay ng gamit sa table parang nagdadabog.

Haay naku talaga. Buti na lang at nandiyan si hubby ko at nakapagpigil ako kasi konting konti na lang at baka kung ano magawa ko sa girlaloo na yun. Dinaan ko na lang siya sa tingin.

Akala niyo tapos na ang pagiging stressed ko that morning? Hindi pa no! Before boarding the plane, I called the house to check my kulilits. Ayun, dinagdagan pa ni Manang ang stressfulness ko. I asked kasi what did my kulilits eat for breakfast. Hindi pa raw kumakain dahil bibilhan ng lugaw ni mommy and she mentioned na pinainom niya ng milk. Nagpantig talaga ang tenga ko that time.  Paano pa makakakain ng breakfast kung busog na di ba? Tapos dadahilanin pa na siya lang mag-isa. Anong excuse yun? Ako nga kaya ko sila imanage sa house namin tapos siya hindi, considering na mas OK yung kulilits sa house ng parents ko kasi may own room sila na pwede mo silang iwanan mag-isa.

Haay talaga si Manang. Just imagine me nagging her the day before and the day we leave about the milk of the kulilits. Ilang beses ko talaga sinasabi sa kanya, "Manang, yung milk ha!" tapos kaaalis lang namin, pinainom kaagad. Anong klase yun di ba? Don't get me wrong. I'm not starving my kulilits. I'm starting to discipline na kasi yung kambal sa meals eh. As much as possible, they only drink milk during nap time and before going to bed at night. Meaning, 3x a day na lang sila umiinom ng milk since they already eat regular meals. Aside from that, they should eat first before they drink their milk.

Stressful ng bonggang bongga ang Friday morning ko di ba? Sabi ko nga kay hubby, "What's with today?" He told me na huwag ng isipin yun, keep cool and just relax.

No comments:

Post a Comment