Bringing my twins around with me catches a lot of attention. The usual question that strangers ask me is "Twins?". Wala talagang araw na hindi matatanong ang question na yan if they are with me.
During the sale at S&R few weeks ago, I brought my twins with me. As usual, naging center of attraction na naman sila. Iba iba ang comments that time, may nakakatuwa, nakakaproud, weird and offensive.
Comment #1:
Deadma Lang...Di Naman ako Nakikipagcompete eh.
Stranger: Ay, twins. Twins sila?
Me: Opo
Stranger: Sa akin naman triplets. (showing his daughters)
Me: Ah, ok.
Comment #2:
Very proud momma ako!
Stranger: Kambal sila?
Me: Opo
Stranger: Ang cucute ha. Nakaktuwa. Ang popogi.
Me: Thank you po.
Stranger: Sandali lang, hintayin ko mga apo ko, ipapakita ko lang sila.
Me: Ok po.
Stranger: Oh tignan niyo oh, kambal, ang popogi.
Me: Babies, say hi. Flying kiss. Wave goodbye.
Ang Ian and Chris, di pinahiya ang mommy nila. Bibong bibo sila kaya tuwang tuwa naman ang mag-anak.
Me: Sige po, mauna na po kami
Stranger: God bless. Bye mga pogi.
Comment#3:
I know it right, so don't rub it in my face...
Stranger: Are they yours? (pointing to my twins)
Me: Yes
Stranger: Oh, they don't look like you.
Me: Ah, they look like their dad. (at the back of my mind:
oo na no, di ko na kamukha mga anak ko, wag mo na ipagdiinan)
Comment #4:
Tamang kulit lang si Lolo
Stranger: Miss, san ba nakakakuha ng ganyan? (Pointing to my twins)
Me: Ah, diyan lang po sa tabi tabi.
Stranger: Ang hirap kasi maghanap ng ganyan dito sa grocery eh.
Me: Hahaha...sige po, mauna na po kami.
Comment#5:
Di tayo close ha
Stranger: Ay twins...Miss, paano ba gumawa ng ganyan?
Me: Di ko alam eh, swerte lang.
Stranger: San ka nakapwesto? Sa taas o sa baba?
Me:
(I just smiled at her and at the back of my mind: "ah ok. di ka naman masyadong bulgar no?")