Ads

Tuesday, April 17, 2012

"Doctor Always Late" No More!

I always tease my husband by calling him "Doctor Always Late". He is always late kasi whenever he is not with me. Bakit kamo? Ewan ko ba, nung nagbuhos yata ng kabagalan ang Dyos sinalo na lahat ng asawa ko. Sobrang bagal talaga kumilos lalo na kapag may kaharap na TV. Aside from that, trademark na ng mga Padua ang pagiging always late.

Anyway, sa work di dapat dalin ang pagiging late. Lalo na sa profession niya (doctor). Dahil paglate ka at marami kang pasyente, aalisan ka ng pasyente dahil maiinip yun.

One clinic day, bigla akong tinawagan ng mom ko:

Mama G: Anak, nasaan na si Doctor?
Me:         Di ba sa San Pedro Doctors siya ngayon?
Mama G: Wala pa eh. 8:00am ang clinic niya eh past 11:00am na wala pa.
Me:         Bakit po?
Mama G:Naku, tumawag sa akin si Tess. Pito raw silang pasyente dun wala pa raw si Doctor kanina pa raw
              sila dun. Sabi nga sa akin "Ano ba yan Linda? Asan na ba yang si Dr. Ryan Nino Padua na yan. 
              Kanina pa kami nandito, 8-10 ang clinic hours niya, hanggang ngayon wala pa."

So nung narinig ko yun, ako ang nahiya talaga. Siyempre asawa ko yun tapos sasabihan ng kakilala ng ganun tapos sa mom ko pa pinadaan.

So after that incident, kinausap ko ng masinsinan si hubby. I told him na he really needs to change his work habits. Hindi na pwepwede yung wala siyang value sa time because he is just starting his career and building his name. Pangit naman kung bago lang siya, sira na kaagad credibility niya di ba? I even told him about our twins' pediatrician. Before kasi he has clinic sa Asian Hospital. He chose to close na lang his clinic there and just settle at Makati Medical Center and St. Lukes Global City because he always arrives late. Sabi nga niya sa akin "Its better that I lose this clinic rather than I lose my patients."

So far, so good. Hindi na siya nalalate ngayon. I see to it kasi na sabay kami aalis ng house para wala siyang takas. Hehehe. Kahit siya natutuwa siya sa changes kasi he is more productive, efficient and mas maaga siya nakakauwi. Aside from that, wala yung pressure or ngarag feeling. I just hope na magtuloy tuloy na ito and maging part na ng system niya.


No comments:

Post a Comment