Next is we went to Sta. Rosa Hospital and Medical Center and dropped hubby there kasi he has to do rounds pa. Then we went to Solenad to stroll. Solenad is a new Ayala establishment in Sta. Rosa near Nuvali. Ang dami na ngang mga open na stores and restaurants doon. High-end ang market niya.
After going to Solenad, hindi pa ako nakuntento, naisip ko na magwindow shop muna sa mga outlet stores sa Paseo de Sta. Rosa. So ayun, go kami doon ng kambal hanggang tumawag na si hubby na finish na raw siya magrounds. Sabi ko kakarating lang namin sa Paseo so I asked him na sumunod na lang.
We went around Paseo de Sta. Rosa. Ang laki na pala ng changes dun. Ang dami ng stores and restaurants compared from the last time I went there. May activity areas na rin in between structures where the kids can run around.
While waiting for hubby, in and out kami sa mga stores. Actually sa kaiikot namin, dumating na pala siya di man lang namin namalayan...
http://instagr.am/p/Jb4RfXKIPt/ |
Sakto rin that time kasi may kite flying activity. Sabi ko kay hubby punta kami doon sa field para makarun yung kambal sa grass and mapanuod nila yung mga kites. When we went there, tapos na yung activity pero may konting kites pa na lumilipad. Ayun, ang mga fingers ni kambal panay turo sa mga kites. Nung nasa grass na kami, inalis na namin sila sa stroller and hinayaan na namin sila magtatakbo. Grabe, sobrang ligalig ng kambal. Kami na ang natatakot dahil baka madapa. At hindi lang yun, pinupulot ang mga dried leaves at sinusubo. Kung kami lang siguro ang magbabantay sa kambal ni hubby, pihado ko papayat kami. LOL!
Chris pointing at the kite |
Amazed Ian |
Eto ang pinakalike kong picture ni Ian. Aba, marunong magpose ang bagets ko...
Posing Ian |
I took a candid shot of my hubby and twins...
My boys...
Chris, Daddy & Ian |
After playing around the field, we went back to Paseo de Sta. Rosa and strolled around again. Then we ate our dinner at The Old Spaghetti house.
How about you? How d0 you spend your Sundays?
No comments:
Post a Comment