Ads

Thursday, April 05, 2012

Usi: Short for Usisero

Just a thought...

Bakit ba ganoon? Every time may vehicular accident or whatever incident ang dami talagang mga "usi". Para bang may shooting ng pelikula na kailangan panuorin. Usually, wala naman talagang naitutulong, kundi nakakagulo pa.

On my way home the other night, there was a vehicular accident between a motorcycle and SUV along Alabang-Zapote Road. Ayun, yung leeg ng driver ng sinasakyan kong shuttle service ay nanghahaba, as in mahaba pa sa leeg ng giraffe, kakatingin sa accident. Hindi niya alam nakakacause siya ng heavy traffic. Most of the time, heavy traffic na nga sa Alabang-Zapote, lalo pang naging heavy ang traffic because of that accident. Hindi lang yun, instead na kaawaan ang nakahalandusay na motorcycle driver, pinagtatawanan pa at kung ano ano ang pinagsasabi. Sila kaya ang nasa shoes nung taong naaksidente.

Nag-flash back tuloy sa isip ko yung incident sa isang mall, yung may nabaril na student ata yun. I forgot na. Basta nasa news yun at naging controversial. Ang daming "usi" pero wala man lang tumulong dun sa guy na pwede pa sana masave yung life.

Mga Pinoy lang ba ang ganito? Sana naman hindi ito isa sa mga trademark natin. I hope na instead na maging spectator lang tayo at makadagdag sa gulo, tumulong na lang tayo.

No comments:

Post a Comment