Ads

Tuesday, August 04, 2015

Usapang Mag-Asawa: Early Morning Pang-Aapi to My Dear Hubby

Good morning guys!

Pasensya na talaga at di ako masyadong makapagsulat ngayon ha. I know na lagi na lang ako nanghihingi ng pasensya sa inyo pero gustuhin ko man, di na talaga kinakaya ng powers ko eh. If you are following me in Instagram, you can see na palagi kaming nasa galaan. In short, di kami napipirmi sa bahay. Like right now, we are here at Manila Hotel. As usual, my sons and I accompanied hubby. May activity kasi sila eh. Nagdala na ako ng laptop dahil I know na pwede ako makasingit ng work and pagsulat ng blog post kahit papaano.

So for my first blog post for the month of August, I just want to share ang kaaga-aga kong pang-aapi sa mahal kong asawa. Hehehe!

Scenario 1:

After hubby took a bath...

Me: O Be, tignan mo, kasya pala yang polo mo na yan sa iyo eh, bakit di mo na sinusuot?
Doc Padu (inhaled sabay himas sa tiyan): Lumiit na kasi ang tiyan ko eh...
Me (Deadma kuno sa pag-inhale ni hubby): Ah ganun ba? Tignan mo dalawa na nga dinala kong polo para sure na may magkakasya sa iyo eh.
Doc Padu: Actually, yung dinala mong pants di na kasya sa akin. Matagal nang masikip sa akin yun.
Me: Sorry...

On the way to the elevator, nagrelax na si hubby ng kanyang tummy kaya...

Me (Pang-asar): Akala ko ba lumiit na tiyan mo? Ayan o nakauslit! May nalalaman ka pang lumiit na yang tyan mo eh di ka lang humihinga kanina! Hahaha!


Scenario 2:

This morning, while we are having breakfast at Cafe Ilang-Ilang...

Doc Padu: Be, ang di lang maganda dito, ang baba ng table ano?
Me: Bakit? Hirap ba ang tyan mo?
Doc Padu (with a sarcastic voice): Thank you ha!!!


Ganyan lang kami magmahalan ng aking hubby... Asaran to the max! Hehehe! =)

2 comments:

  1. Kakatuwa naman kayo, sis. What's your IG handle? I'll follow you.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you sis! My IG is @adventureras =)

      Delete