Day 8 is our last day in Japan and ito ang pinakamemorable sa amin. As in memorable talaga!
Here is the kwento...
Pauwi na kami ng day 8. At pauwi na lang kami, may malaking sablay pa na nangyari.
By hook or by crook, kailangan masunod ang schedule namin pauwi. Mahirap na kasi kung mahuli kami sa airport di ba? Kaya si Papa G, strict this day kaya nasunod naman ang schedule namin.
Ngunit, subalit, datapwat... yung pagsakay namin sa Narita Express train, isang malaking trahedya ang naganap...
SUMARA KAAGAD ANG PINTUAN NG TRAIN KAYA NAIWAN NG TRAIN SI MAMA G, SI DOC PADU AND SI IAN!!!
Exag talaga! Promise!
Ang scene sa loob ng train:
Me and Papa G - pinagpapalo ang pintuan ng train habang sumasara kahit nagmumukha na kaming tanga baka sakaling pagbuksan ulit kami.
Papa G - Dali daling pumunta sa harap para kausapin ang nag-ooperate ng train.
Paolo and Liezel - Nagpapanic na hanapin ang emergency button ng train. Sa awa ng Diyos, dahil sa panic, di nakita!
Ang scene sa labas ng train:
Doc Padu - napatulala na lang habang sumasara ang pinto ng train
Mama G - Relax na relax sa upuan habang nakadekwatro pa!
Hanep si Mama G ano? Nagkakagulo na ang lahat pero relax pa rin and ang matindi, nakadekwatro pa! Hahaha!
Grabe talaga! Sobrang worried and panic ni Papa G. Paano ba naman...
First - Walang pera ang mga naiwan. Yung bag ni mommy, nakasabit sa stroller ni Chris and yung wallet ni hubby nasa bag ko naman.
Second - Wala din silang hawak na passports.
Third - Yung JR pass nila nasa amin din.
Buti na lang talaga at bitbit ni hubby ang cellphone niya. Kung hindi, wala kaming communication. And buti na lang talaga, may train na nakaschedule after 30 minutes. Kung hindi, maaalanganin sila.
Anyway, tinawanan na lang namin ito afterwards!
At buti na lang, wala nang kakaibang eksena na nangyari sa amin at nakauwi naman kami ng Pilipinas ng matiwasay.
That's it! Natapos din ang aking Japan kwento. Watch out na lang for my post about my Japan loots...
No comments:
Post a Comment