I went to my new OBG yesterday for my prenatal check-up. She's old school. She's a complete opposite of my previous OBG.
She measured my tummy and told me that my baby is a little bit small to her age. Not too small naman since it fell below normal lang sa ideal size.
First, she told me that I need to eat and eat which is for the baby. Binisto ako ni hubby na I'm not eating that much. Actually, sa house lang talaga ako hindi ganun nagkakakain. Pag lumalabas naman, I eat well. As I explained to my OBG, nasanay kasi ako sa previous OBG ko who is closely monitoring my weight na hindi ako masyadong pinapakain. Mahirap kasi on my part because I'm big at baka magkagestational diabetes ako or magkapreeclampsia.
Alam niyo ano sagot ng OBG ko? Hindi raw siya naniniwala doon. Kumain lang daw ako at saka na ang diet diet.... PATAY TAYO DIYAN!!! Hahaha!
Second, she told me that I need a lot of rest. And when I rest or sleep, I need to lie down on my left side. Sablay ako pareho sa totoo lang.
Rest? Parang wala sa bokabolaryo ko ang rest eh. Lam niyo na, para akong si Curacha. Remember, I don't have a helper right now di ba? As early as 5:30am I'm awake na. Tuloy tuloy na ang work ko niyan sa house plus I'm taking care pa of the kids. Hanggang gabi na yan. Maaga na ang 11:00pm na tulog ko.
Lying down on my left side? I usually lie down on my right. Dun kasi ako sanay. Mali pala yun, nabloblock ko yung blood flow something. My OBG compared it sa water hose na naiiipit. Actually, nabasa ko nga siya somewhere. I didn't know na talagang important ang paghiga sa left side.
So ano na?
A LOT OF REST + EAT, EAT, EAT = JUBIS!!!
Goodluck to me!
But still, I'll try my best not to gain that much weight...
No comments:
Post a Comment