Ads

Friday, March 06, 2015

Hotel Hopping Weekend: Remington Hotel

Two weekends ago, we had an opportunity to stay overnight at 3 different hotels. Hep hep! Bago mag-react, libre po lahat yan. Hehe! Di naman kami ganun kayaman at kagastos para magcheck-in na lang sa mga hotel basta basta ng walang okasyon. =)

For the Chinese New Year Eve, we stayed at Remington Hotel at Resorts World. Super biglaan lang ito and wala sa plano. My parents just let us sneak in here because we are going to visit our farm the following day.

Here are some of the pictures of the hotel room:

The living room area with a sofa bed and mini kitchen...








Queen size bed...




Pasensya na sa picture at naransack na ng mga Kulilits yung bed. Hehe. By the way, the living room/kitchen area and bed are separated by a wooden sliding door.

The bathroom...




The toiletries...




The toilet...




The shower area...




Seeing the pictures of the hotel room, are you impressed? Maybe most of you will answer NO. Ako rin kasi I'm not impressed eh. Walang dating talaga sa akin yung room. Yes I know mostly yung mga gamers ang nagchecheck-in dito, pero compared to mid-sized hotels in Vegas and Macau, ang laki ng difference sa aesthetics ha.

Anyway, kamusta naman ang aming stay? Ummmm... Medyo unpleasant eh.

First, with the hotel room's cleanliness, sablay sila dito.

  • The sofa bed is not clean and ang daming stains. Nakakadiri tuloy higaan.
  • Yung toilet bowl, madumi yung singit singit. Actually, napansin din yun ng mom ko.
  • The wooden room divider, pwede nang tamnan ng kamote sa kapal ng alikabok.
Next, sa hotel breakfast medyo nag-init ang ulo ng dad ko. We had our breakfast at Cafe Maxims since we had minors with us. The free breakfast that comes with our hotel stay is set breakfast. Kaya nag-init ang ulo ng dad ko kasi hundred years bago dumating yung order namin. Lalo pang nag-init ulo niya nung nauna pang sinerve yung mga katabi naming tables which is nahuli naman sa amin. Imagine mo na lang yung extra rice, naka ilang follow-up kami bago dumating. Terrible service talaga! Sabi ko nga sa dad ko, sana pala hindi na lang ako nag-order (only 2 breakfast are free) at bumili na lang ako ng Double Filet-O-Fish sa Mc Donalds, happy pa ako. Hehe.

I checked their rates in the internet, and I could say na, in case binayaran namin yung stay namin, sobrang manghihinayang kami sa binayad namin. Hindi worth it for me. May mga kasing price range na hotel pero mas alam mong mas ok. Gets niyo? Tapos ha, walang free parking! Yung mga 5-star hotel, free ang parking at minsan free pa ang valet service, tapos dito, flat rate parking lang ang kayang ibigay. We paid P100.00 pa for the parking. Haaayyysssttt!

So that's our experience at Remington Hotel. =(

No comments:

Post a Comment