I had my first prenatal checkup this morning at Sta. Rosa Hospital and Medical Center (SRHMC). Hubby and I decided that I'll give birth there instead of Makati Medical Center. Fully paid na kasi kami with our stocks there so malaking menos talaga sa panganganak. Sa Makati Med kasi abot pa rin ng 100k ang gastos namin (for CS) kahit probono ang PF ng doctors. Anyway, I'm happy naman with my new OB. She is older than my previous one pero ang gaan kaagad ng loob ko sa kanya. Ang sarap kausap. Yung tipong parang close kaagad kayo. Parang mommy ko lang ba.
So ayun na nga. Inabot na kami ng lunch time. I asked hubby where kami kakain. Sabi niya kahit saan, sa mura lang. Lam niyo naman kami, hindi kami masyadong pihikan sa pagkain. As long as edible, presentable and reasonable, GO kami dun! Intially, I asked him to scout yung mga restaurant sa tabi ng SRHMC, may nakita kasi kami mga kainan dun before. Unfortunately, puros sarado sila. Mukhang sa gabi lang sila bukas kasi mga grill grill yung mga kainan dun. So I told hubby na maghanap na lang kami on the way to Pacita since mag-eexit kami sa Southwoods para magpadiesel (mura kasi ang gas and diesel dun ng about P2.00).
Then, I saw a Chinese restaurant sa may Pacita Complex near Robinsons Supermarket and suggested it to hubby. Ok na sa kanya dun pero biglang may nakita ako na karatola under ng signage ng Chinese food: "Happy Tummy... Unli-Rice with free Iced Tea and Soup".
Me (jokingly): Be, tignan mo o! Happy Tummy... Unli-Rice with free Iced Tea and Soup pa!
Doc Padu: Uy, diyan na lang tayo!
Me: Seryoso ka?
Doc Padu: Oo unli-rice eh!
Hahaha! Basta unli-rice, game si doc! Pero siyempre, hindi naman kami kaagad decided na dun kumain hanggat hindi namin nakita yung place.
The resto is beside a small supermarket...
Their concept is parang tapsi place...
Here is their menu...
Grabe ano? The price of their rice meals start with P69.00. Ang pinakamahal is P99.00 lang. Ang mura sobra, the fact na unli-rice and free iced tea yung mga meals.
Hubby and I ordered 2-piece chicken...
Close-up view of the chicken...
In fairness ha, malaki ang serving. Hindi tipid! Pati yung iced tea nila nasa tall glass. Eh ang lasa, kamusta naman? Masarap siya, promise! Yung coating ng chicken, according to hubby, parang may curry. Very malasa siya and hindi dry. May ibang fried chicken kasi na dry di ba? Eto hindi, juicy siya. Kung nakailan kami na rice, secret na lang yun, baka kasi sabihin niyo karpintero kaming mag-asawa eh. Hahaha!
So ayan, shinare ko lang sa inyo... Good find kasi talaga eh! Panalo! We really left the place with a HAPPY TUMMY...
No comments:
Post a Comment