This blog post is supposed to be last last week pa... pero, as usual, nabaon lang sa aking drafts folder. Super duper busy talaga (yun naman talaga ang ultimate reason ko why I haven't blogged that much the past few months eh) plus I'm still adjusting my schedule since the birth of Ina plus Christmas season pa. Huhuhu! Kulang talaga ang 24 hours eh...
Anyway, I think we've been good this year. Ang aga kasing dumating ng pasko sa amin eh. Specially to my boys.
Bakit kamo? One Sunday, bigla na lang naisipan ng kanilang Papa G na ipagshopping sila...
Here are their gifts from their Papa G:
Light sabers and Spiderman figures for the twins and Darthvader Mr. Potato Head for Christoff...
Anyway, I think we've been good this year. Ang aga kasing dumating ng pasko sa amin eh. Specially to my boys.
Bakit kamo? One Sunday, bigla na lang naisipan ng kanilang Papa G na ipagshopping sila...
Here are their gifts from their Papa G:
Light sabers and Spiderman figures for the twins and Darthvader Mr. Potato Head for Christoff...
Tablets for the boys...
Mahabang kwento yan kaya nabigyan ng mga tablets ang mga boys. Actually, gusto ko talaga irequest kay Papa G na tablets na lang ang ibigay na Christmas gift sa twins. They'll be using it kasi for their studies eh. As homeschoolers, they'll be having portfolio reviews (A portfolio review is equivalent to an examination). Since it's too much, na shy shy ako magrequest. Kaya, instead of requesting for a new one, nagtanong na lang ako sa kanya if he is still using his tablet PC...
Me: Daddy, yung tablet PC na pareho kayo ni mommy ginagamit mo pa ba?
Papa G: Oo, bakit?
Me: Ah... akala ko hindi mo na ginagamit. hihingin ko na lang sana kasi para sa kambal, gagamitin kasi nila sa school para sa portfolio review presentation nila. Yung iPad ko sana ang ipapagamit ko kaso lang bumigay na, biglang ayaw na mag-on.
Papa G: Meron ako yung Galaxy Tab, yun na lang. Ipaalala mo sa akin para madala ko.
Me: Ok. Thank you daddy!
So nung binigay na niya sa akin yung Galaxy Tab, I immediately installed some educational apps then pinagamit ko na sa mga boys. Nung nakita ni Papa G na all the 3 boys are taking turns sa pag gamit ng tablet, bigla na lang sinabi na bibilhan na lang niya yung kambal ng tablets para isa isa na sila and para di mag-away. Pero may condition yun, dapat may oras ang pag gamit and hindi madalas. Siyempre, I agreed to the condition kasi personally ganun naman talaga ang gagawin ko. Ayaw ko siyempre masanay sila sa video games and mas maganda pa rin yung may physical interaction.
Wait! Wait! May naalala lang ako. May funny conversation kami ng dad ko while buying the tablets.
Me: Grabe talaga ha, nung bata kami,
Papa G: ngingiti ngiti
Me: Bakit ka ngingiti ngiti daddy?
Papa G: Wala... Ang lakas mo talaga sa akin... May toys and tablets na ang mga anak tapos may kotse ka pa!
Me: Hmmm... Ang lakas kamo ng mga apo mo sa iyo!
Octagon OIC: Pwede po bang maging apo niyo na rin ako sir?
Hahaha! Nakakatawa yung OIC ng Octagon, nag-papaampon! Tapos si daddy, ako raw itong malakas sa kanya, pero sa totoo yung mga apo naman talaga niya ang malakas sa kanya at di matiis. =)
Then nung pabalik na kami ng parking, biglang naglambing si Ian kay Papa G. Ayaw sumama sa amin, gusto kay Papa G lang. Eh may dinner parents ko with my Ninong at City of Dreams. Di niya natiis ang apo niya, isasama na lang daw niya. Eh sabi ko paano yun, walang dalang extra clothes, ibibili na lang daw niya. Kaya ayan, may new polo si Ian at pati si Chris binilhan din...
And may pahabol pa, toy cars from Petron...
Kaya look at my boys, they were very happy with the gifts that they received from Papa G that day...
Of course, ako rin may blessing... naging maaga rin ang pasko ko... kasi my brother gave me a new cellphone... Akala ko nagbibiro lang, serioso pala...
Thank you Papa G and to my brother Paolo dahil napaaga niyo ang pasko naming mag-iina! Mwah! Mwah! Mwah! =)